Chapter 25

2849 Words

Nette POV HALOS DALAWANG araw din ang itinagal ko sa hospital upang bantayan si ate kahit na hindi niya gustong nakikita ako, bago ako nagkalakas ng loob na umuwi sa bahay ni Mr. Fifth. Dalawang araw akong hindi nagpakita sa kanya dahil hindi pa ako handang humarap sa katotohanan na kailangan kong ipagtapat sa kanya ang mga nais ni Ate Tam. Dalawang araw na hindi ko nagawang linisin ang aking sarili dahil sa mga gumagulo sa aking isipan. Ilang ulit akong humugot ng malalim na buntong hininga bago nagkaroon ng lakas ng loob na tumuloy sa loob, kanina pa ako sa labas ng malaking bahay nagdadalawang isip na pumasok. Sinalubong ako ni Manang Dori na labis ang pag-aalala sa akin. Ngiti lamang ang isinagot ko at nagpaalam na tutuloy na muna ako sa aking silid. Laking pasalamat ko sa kanyang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD