Kabanata 14: Kapitbahay SAPO ang ulo ni James ng nagising siya kinabukasan. Mukhang napadami ang inum niya kagabi. Ginusto lang naman niyang makatulog. Pero napasarap ang inum niya. Mag-isa siya sa kama nang bumangon siya. Wala si Vivian, sigurado siyang tumabi siya dito kagabi. "Damn!" pikang saad niya ng kumirot ang kanyang ulo. Napatingin siya sa maliit na digital clock na naroon sa bedside table. Alas singko na nang umaga. Saka nagmadaling lumabas ng maliit na silid ni Vivian only to see her sleeping on the sofa. Nakapamaluktot ito. "Hindi naman kita pinaalis bakit lumipat ka." monologue niya na naglakad palapit dito. "Bebang gising na, malelate tayo sa flight." hinila niya ang kumot nito. Dahilan para kumilos ito. May kalakihan naman ang sofa para sa slim nitong katawan kaya mala

