Sunday ngayon
and I have to go to church praise God and thank him with this new life. Araw araw ako nagpapasalamat kay God dahil binigyan nya ako ng panibagong buhay hays I was about to die but then he gave me another life and I treasured it.
Medyo cliche yung story ko. Lahat naman tayo may story. Yung iba medyo baduy, yung iba medyo action, yung iba may pagka drama pero merong may tinatagong ganda and lesson.
Emz.
"Couuuuuuuuuuussssss!!!!"
Rinig kong sigaw ni Erika sa labas ng bahay napairap nalang ako sa hangin dahil hindi naman sila sincere sa pagpasok sa simbahan they all just want to flirt on those acolytes there noh pssh.
"Hay naku Psalem ang tagal mo!" That is Faith my flirtiest friend ever.
Wala ng makakapantay sa pagiging malandi ng isang 'to like as in todong-todo sa sobrang dami kilala na niya buong town rito sa amin. Pero mabait naman siya sa sobrang baiy niya muntik na siyang mabuntis. Yep ganun siya ka bait kaso mabait ako na kaibigan e cheer nalang naten.
Go Bestieeee!
"Ano pa bang bago? " Siniringan ko lang si Erika.
"Psh!"
"Oh tara na, alert!" Tulak samin ni Faith.
Hindi nako nag abalang magdala ng motor gusto ko pa naman ipagmayabang si Sky hehe.
Medyo mayabang naman kasi talaga ako.
Nang makarating kami sa simbahan don kami umupo sa bandang likuran malapit sa may electric fan pero kung ako ang masusunod sa harap ko gustong umupo para marinig ko si father kaso wala akong magagawa, dalawa sila eh.
Nauna si Erika pagka upo merong lalaking naunang umupo but I never bothered to look at him sa halip ay si Faith ang tumabi sa lalaki, mukhang close pa sila ano pa bang bago? Lahat siguro ng lalaki kilala nito rito sa lugar namin eh.
"Oh Faith?" Rinig kong sambit ng lalaki oh well magkakilala nga sila and so? Anong pake ko?
Eh bakit ako nagagalit!?
"Stug!" Wth Stug? Stug ang pangalan niya HAHAHAHA anong klaseng pangalan yan? Pss hindi ko maiwasang mapalingon kay 'Stug' at laking gulat kong sa akin sa nakatingin
Napalunok ako hindi ko rin alam kung bakit!
Agad kong inalis yung mga mata kong nakatingin sa sakanya aaminin ko may kung ano kuryenteng nagdaloy sa titigan nayun pakneng shet ano ba to!? Yun na ba ang sparks na sinasabi nila? Ew! Disgusting shet!
Ano ba itong mga pinagsasabi ko! Mag hunus-dili ka beh!
Nagsisimula na ang misa pero wala sa pare ang atensyon ko dun kay Stug may itsura naman siya pero yun yung tipong manlolokong lalaki yung mga assholes. Yung mga pakboi look.
'Si, stronzo' sabi ko sa sarili ko.
(yes asshole) Huwag na tayo sa redflag! Retired na ako sa pagiging flag pole.
Tinignan ko yung kamay niya well ang ganda parang babae pero pag dating sa mga kuko niya ang tutulis bagay na ayaw kong makita sa mga lalaki nakaka turn off. Mas matulis pa yung sakanya kesa sa akin ha?
"Peace be with you." Nagulat nalang ako ng ma alalang nasa simbahan pala ako hindi ko namalayang 'peace be with you na pala'. Nasa simbahan ako pero kung ano ano pinag iisip ko.
Sorry po lord!
"Peace be with you." Nagtama nanaman ang mga mata namin ni Stug daglian akong napaiwas at napabaling sa katabi ko.
Nagdaan pa ang oras hindi ko namalayang natapos na pala ang misa tinignan ko si Stug hindi ko rin alam kung bakit. Ngingisi ngisi syang tinignan ako inirapan ko lang siya pss
"Stronzo." Bulong ko.
(asshole)
Wait? Bakit ba ako nagagalit at naiirita sakanya? Wala nakakairita lang talaga ang mga lalaking pakbois.
Don't judge the book daw pero hayaan niyo na hindi naman siya book.
Nang makalabas kami sa simbahan na salubong namin si Stug ngumiti siya sakin nginitian ko naman siya ng peke.
Napalunok ako ng magdampi ang mga kamay namin pagkakuha ng agua bendita nakakapangilabot. May nararamdaman akong hindi mabuti.
Y-yung puso ko...
Ewwww tumindig yung balahibo ko dahil dun dzai! Yak!
'Grrrr'
Ako ang agad umiwas.
'Yaaaaaaa!!!!!'
Mabilis akong lumabas ng simbahan. Anong nangyayari saken!?
"Hey Psalem wait for us!" Dinig kong sigaw si Faith pero di ko siya pinansin
Agad naman silang nakahabol dalawa sakin and they both gave me 'wth look'
"Wth cous." Sabi sayo eh.
"Nothing. Umuwi na tayo." tinignan ko sila sa mata
"Nope, sama ka samin may bibilhin lang akong cake dun sa bakeshop oh plss pretty please." Nakakairita naman 'tong si Erika kung hindi ko lang pinsan to dinagukan ko pa to eh. May pa pretty please pa! Hugutin ko yung lungs niya eh para malaman niya kung ano yung pretty na sinasabi niya!
"Wala naman akong magagawa eh!" Ika ko tas nagpaumunang naglakad nahagilap ko pa si Stug na mabilis magmaneho ng motor psh pakitang gilas kulang sa pansin dude?
Eh bakit ko naman siya pinapansin. Duh!
"Ang badoy mo!!!!" Inis na sigaw ko.
"What!?" Inis na baling sakin ni Faith
"Alam mo cous kanina kapa wala sa sarili mo." Napanguso nalang ako sa kanila. I can't understand myself too.
"Masakit lang yung ulo ko." Napaiwas nalang ako ng tingin napa buntong hininga nalang si Erika.
"Iniinom mo naman yung mga meds mo diba?" Bakas sa mukha ni Erika ang pag alala ngitian ko nalang siya at tumango
"Pssh Psalem Im worrying about you na." Nakanguso na sabi sakin ni Faith well ganyan talaga siya mukhang maarte---hindi----maarte talaga siyang magsalita.
"Nah, halina kayo!" Pag iiba ko sa usapan ilang minuto pa kaming naglalakad papuntang bakeshop
"Uhmm ano yung mas masarap yung black forest or yung red velvet?" Nakangiting tanong samin ni Erika habang pumipili ng cake.
"Baket kami ba yung kakakain!? Kung alam ko lang! Alam ko naman na ipapakain mo yan sa mga boys" Natawa nalang ako sa sinabi ni Faith.
"Duh satin kaya to!" Inirapan nalang ni Erika si Faith at ibaling sa cake ang tingin.
"Yun naman pala eh eh kung sinabi mo kaagad---"
"Red velvet nalang" Pagtatapos ko sa bangayan nilang dalawa kung hindi mo kasi sila paggigitnaang dalawa malamang magsasabutunan nayan sa sobrang pikon nila sa isa't isa.
Medyo hindi naman talaga kasi sila close dalawa nag close lang sila dahil sakin. Ako kasi ang pinaka friendly eme lang.
"Aish sige sige si madam na yan eh" Siniringan ko nalang sila at ngumisi.
"Miss!" Tawag ni Erika sa cashier
"Yes maam?" Nakangiting baling sakanya ng cashier.
"We will take this." Turo niya sa red velvet cake
"Ok maam" Sabay kuha sa fridge ng cake" Gusto niyong pangalanan maam?" Nakakahawa yung ngiti ng cashier.
"Uhmm wag nalang siguro?" Baling ko kay Erika
"Aishh ano kaba! Uhmm ilagay mo 'live life to the fullest Psalem.'" Nanlaki ang mata ko sa sinabing yun ni Erika kasabay ng pangunot ng noo ko. Anong live life!? Eh?
"Ay wag ng mag inarte mamaya pa ang celebration" Pang uudyo sakin ni Faith.
Sa sobrang gulat ko ay napa labas ako ng bakeshop. May pa celebration ang mga bruha ah?
Parang mga gago! Anong celebration!?
Bigla ko nalang na alala ang isang napakasakit na trahedya.
"Woi" Agad kong pinahid ang namumuong luha sa mga mata ko ng marinig ang isang unfamiliar voice.
Tumingin ako sa gilid kung saan nang gagaling ang boses.
Kasi pag na alala ko yun hindi ko takaga maiwasang maiyak, ang sakit parin pala.
SI STUG!!!!!!!
Ang oa ko naman sumigaw sa isip ah?
Tumaas ang mga kilay ko ng makita kong papalapit na siya sakin
"Hi!" Nangunot ang noo ko isang dipa nalang ang layo namin sa isat isa
"Uhmmm..." Halatang na iilang siya sakin. And why he bothered to approach me?
"San na yung mga kaibigan mo-----" Napatigil siya sa pagsasalita ng mangibabaw ang lakas ng boses ni Faith
"STUGGGGG!!!" Inimpit pa niya ang pag tawag na siyang nakaka sakit sa tenga ko.
"Wag mo nga akong tawaging ganyan" Nagtaka naman ako.
"Ay suplado" Nakapamewang na si Faith at nakataas na ng kilay.
"Who are you and why are you here?" Halatang iritado na si Erika
"He's Stug." Sa halip na yung lalaki ang sumagot si Faith nalang na hindi inaalis ang mga kamay sa baywang nya
"Faith..." Stug groan in annoyance
"What?" Natatawang sambit ni Faith
"Hatid mo nalang kaya kami, please" Nagpapacute niyang sabi.
Oh My God!!! Wala ba siyang hiya!? Like Watdahel lang talaga!
"Ok just wait I'll get Onion." Kumaripas sa takbo ang lalaki papunta sa kabilang side ng kalsada pero medyo may kalayuan pa ang pinuntahan niya naiwan kaming dalawa ni Erika na naka nganga.
"Ipapahatid nya tayo sa sibuyas?" Natatawang humarap samin si Faith matapos namin isigaw yun ni Erika.
"We'll see..." Inirapan nalang namin siya.
Nabigla pa ako nung makitang kapareho kami ng motor limited edition lang yung motor nayun so I can say that he's rich whew.
Tumikhim pa ako.
"Uhmm sige mauna nako bye." Akmang tatawid ako ng pigilan ako ni Erika
"Oh bakit?" Takang tanong ko pero di nya ako sinagot sinamaan niya lang ng tingin si Stug.
"Sumabay ka na sakanila." Seryoso talaga si Erika anyare?
Isa rin 'to eh tokis rin!
"No,I want to go with you." Nakanguso pa ako
"Uhmm miss sakin kana sumabay nandito naman si Faith eh" Kahit anong pangungumbinsi ni Stug natatakot ako. Im not that girl na nakiki angkas lang nakaka shet.
Wow pick me yarn?
"Eh pwedi namang siya nalang." Sagot ko
"Wag nang mag inarte girl halika na." Pilit sakin ni Faith pagbaling ko sa kanan ko wala na si Erika taka akong napatingin sa kalsada at naka sakay na siya sa taxi dala-dala niya pa yung cake.
'Now this is great!'
Gusto ko talaga sabunutan itong si Faith!
Wala akong choice kundi ang sumakay napapagitnaan namin si Faith well todo yakap sya sa lalaki wala akong imik gusto ko ng bumaba.
May pera ka naman ha? Bakit hindi ka sumakay sa iba?
Tanong iyan ng isip ko. Hahay! Eh kasi ganito iyon...Ano nga ba?
SKY'S POV.
Hindi talaga siya umiimik naiilang ako at the same time dahil todo yakap si Faith sakin ano nalang masasabi ni Jomalyn rito hay.
Bakit ko ba naisipang ihatid sila!? Ok please enlighten me!
"Bakit di nalang kayo magpahatid sa mga boyfriends niyo" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"Break na kami" Sagot ni faith
"Hahananaman?" Kilala ko rin 'tong matinik sa lalaki eh! Easy to get rin kasi.
"Yes I hate him na eh." Maarte talaga siya.
"Eh ikaw?" Tanong ko sa kasama niya at tinignan siya sa side mirror ng motor ko. She's pretty and sexy hindi siya nag salita at walang reaksyon ang maamo niyang mukha
"Woi!" Tawag pansin ko sakanya
"Wala akong boyfriend, boys are not my thing, it's just lust not love. And im not interested." Naks naman English yun ah.
"Hindi naman lahat ng lalaki katulad ng iniisip mo" Sabat ko.
"Ok" Yun lang yun!? Anak ng! Akala ko makikipagbangayan pa siya sakin.
"San ko kayo ibababa?" Tanong ko nung malapit na kami sa village nila.
"Sa guard house nalang hehe cause mommy will see us eh" Ganyan talaga si Faith mag salita PABEBE!
Pinarada ko nalang malapit sa guard house.
"Thank you poooooooo." Mahabang sambit ni Faith tinanguan ko lang siya
"Hey pretty girl" Baling ko sa kasama niya" What's your-----"
"Thank you" Hindi na niya ako pinatapos napakamot nalang ako ng ulo.
"Ahhh she's Psalem I forgot to tell you" Baling sakin ni Faith" Uhmm Psalem sisy he's....." Hindi na niya napatapos ang sasabihin nang talikuran na siya ni Psalem HAHAHA
"Ganyan ba talaga yan?" Natatawa kong tanong kay Faith na nakatingin sa naglalakad na si Psalem mmm unique name.
"Wala sa hulog hahah oh siya ok bye thanks ulit!" Magiliw niyang sambit papihit palang ako ng may marinig akong kotseng paparating hindi man lang siya chineck ng guard at nagtaka ako ng tumigil ito pagdating kay Psalem at pinagbuksan siya ng pinto na agad namang sumakay.
"Oh my god" Rinig kong bulong ni Faith napatingin ako sakanya at..
Eh?
KUMARIPAS NA SIYA KAKATAKBO PAPASOK SA VILLAGE!
Anyare!? Umalis ako ng nagtataka
Ano yun? Kilala ba nila yun? Sino kaya yun? Aish bahala kayo!