CHAPTER 3

2040 Words
PSALEM'S POV EDI WAG KANG PUMUNTA! Dagdag pakain kapa? Bakit pinilit ba kita? Hah! Masi-siyahan pa ako kung wala ka eh. Hindi ka naman importante! Sino kaba para-- miss na kita! Ano!? Mag inhale-exhale ka beh baka nahangin ka. "Why so grumpy?" Tanong sakin ni Psamen. Tinignan ko siya ng masama. Masamang masama kaya agad siyang umiwas ng tingin. Ayan makuha ka sa tingin. "Akala ba niya iiyak ako pag di siya p-pupunta. SAGING SIYA! Isa siyang bwesit na saging!!" Inis kong sigaw sa mismong pagmumukha ni Psamen at natawa naman siya. "Ano ang nakakatawa dun!?" Umiling pa siya. "You're beautiful when you're mad" Ngumiti pa siya WOW. Alam ko namang maganda ako pero huwag niyo na akong bwesitin. Bwesit na bwesit na ako sa buhay kung may next life pa ako, kakain nalang ako ng bacteria sa loob palang ng tiyan ng nanay ko. "Isa kapa 'wag mo 'kong bwesitin ha? Isa ka pang saging!" At iniwan na siya. Nagpapa-padyak-padyak ako habang nag lalakad. 'Ano bang meron sa saging? Minsan di ko rin maintindihan kung bakit bigla bigla nalang lumalabas ang mga yun sa bunganga ko'. Hapon na at mabuti nalang na patapos narin kami sa decorations. Kanina pa'ko pagod. A few minutes latuuuuh! Spongebob square pants hehe. Ok waley next group na. "All set!!" Sabay sabay nilang sabi na ikinangiwi ko pwede naman kasi mag bayad para sa decoration gusto talaga nilang mag pagod sa buhay eh noh? Ganun na ba sila ka bored? Lahat kami nakatingin sa ginawa namin at napabuntong hininga. "Oh siya maliligo na muna kami kita-kita nalang tayo mamaya mga guys hehe." Sabi ni ate Jonella sumunod naman ang iba at ako nalang at si Psamen ang natira. Ay magkikita pa pala tayong lahat? Nagsisisi na po ako bakit binuhay niyo pa uli ako. Buhay ko na ngayon ang mahaba at pasensya ko naman ang lumiit. "So dito ka titira sakin. Its not a question, its an order Psamen." Alangan naman? Saan ko siya papupuntahin. Hindi ako tumingin sakanya kaya siya mismo ang humarap sakin nanlalaki pa ang mga mata niya at butas ng ilong niya. Nakakatawa. "Tabi tayo!?" Bakas sa itsura nya ang galak. Binigyan ko siya ng 'How dare you?' look. "Doon ka sa kwarto mo ulol! Sige na maliligo pa 'ko." Ano siya? Siniswerte? Nagpaalam ako sakanya, hindi ko na siya pinagsalitang muli at naglakad na'ko papasok ng bahay. Tinignan ko pa ang buong silid. Minsan masarap rin namang mabuhay kapag alam mong maraming nag mamahal sa'yo. Pride ko lang yung may ayaw kasi feeling ko pinaplastik lang ako. Napangiti pako, hindi ko rin alam kung bakit at nagtuloy tuloy na sa pag akyat ng hagdan pagdating ko sa kwarto ko agad akong pumasok sa banyo at naligo. Hmmmm mmmm mmmm Im humming ma medyo wala sa tono. Nang matapos ako. Pumili pa ako ng damit na su-suotin. Its just a simple peach off shoulder dress at pinaresan ko ng white doll shoes hehe. Humarap ako sa human size na salamin. Naks naman babaeng-babae. Napa roll eyes ako sa sarili ko sa salamin. "Mm pwedi na siguro 'to." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. 'Namayat na ako, dati kasi kamukha ko si peppa pig'. Ngumiwi ako sa sarili kong naisip. Ang laki ng binawas ng katawan ko. Yung pagka ma-attitude ko rin sana minsan bawas-bawasan rin niya. Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ako ng katok. Naglakad pa ako at binuksan ang pinto at tumambad sakin si Psamen. Nginitian ko sya. Minsan lang 'to sulitin mo na. "Hey, you're goddamn beautiful Princess" Nagkibit balikat lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Well hindi na ako plastik this time. "I miss you" Seryosong sambit ko at halatang natigilan siya. Kaya ngumiti nalang ako sakanya. Nagulat yata siya dahil bigla akong naging mabait. "Lets go?" Tanong ko tumango nalang sya. Tuliro parin ba siya sa sinabi ko? Sus parang yun lang eh. Ako lang 'to. I miss him it's been years when we last saw each other. Palagi ko na rin sila iniiwasan. When we reach the backyard I was goddamn shock when I saw numbers of people hindi naman sila bonggang rami pero sapat na para mapatulo ang mga luha ko. Ganun na ba ako ka moody? Pero ewan ko rin at naiiyak ako. Wala nakong pakialam kung plastic sila o ano basta nandito sila. I found there my supportive cousins and uncles and aunts, but wait where are they? The specials persons in my life, where are they? Tumingin ako kay Psamen, mangiyak-ngiyak na'ko hindi dahil sa saya kundi dahil sa sakit Palagi nalang wala sila sa mga panahong espesyal. "Sorry they can't come." Nagpapasalamat ako na agad niya nakuha ang ibig kong ipahiwatig. Inisip ko nalang na hindi sila makakapunta dahil biglaan ito. Dahan-dahang tumulo ang mga luhang minsan ko lang pinapakita. Naramdaman ko nalang na nakayakap na siya. Nakakahiya sa mga tao na makita akong naiiyak. Kailangan rin naman natin siguro ipakita na minsan sa buhay natin ay nagiging mahina tayo. "Shhh don't cry my princess, your knight here will not be happy" Tumingin ako sakanya. "Thank you for being here..... Kuya." Ngumiti siya sakin at hinagod ang nakalugay kong buhok. Palagi naman siyang andiyan kahit na ayaw ko, kahit halata namang iniiwasan ko siya. Palagi niya akong sinasamahan. "You know that I'm always here for you Princess." Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Wala na! Hindi na ako maastig nito. "Oyyyy!" Sabay kaming napatingin ni Psamen sa papalapit na sina Erika at Faith. "Hey!" Bungad sakanila ni Psamen. "Bakit kayo magkayakap?" Si faith habang naka cross arm "Eh bakit hindi?" Mataray ko ring sagot. Anong gusto mo ikaw nalnag "Hey guys" Rinig naming boses na nanggagaling sa mini stage na ginawa namin kanina." Shes here! The one and only Psalem Audi Thorn!" Sabi ni ate Jonella sa mic and here, lots of eyes we're all set on me napalunok nalang ako. Gosh may pa ganun! I heard lots of claps. All of their eyes are looking at me, yung iba makikita mong nagbubulungan pa. Kinakabahan ako na parang mag h-hyperventilate. INHALE.... EXHALE... Tao lang ang mga iyan. Mga tao na baka ipapabaril ka anytime now. Waaaah ok bye nag o-overthink na ako. Na p-paranoid na ang astig na tulad ko. "Hey there girl" Rinig kong sambit ng kaklase ko sa gilid, kinawayan ko lang. Medyo kumakalma ang nararamdaman ko nang makita ang mga kakilala ko. "Patty!" Yeah I know, it's Jesha hahahah. My classmate way back Highschool. She's mabait and super goofy kasama. "She's pretty right? Bagay sila ng kasama niya." We both smirked when we heard that whisper from somewhere hahaha. Lahat naman sila ganun ang tingin sa amin ni Psam. "Magkapatid sila." Sabat ng kasama niya kita ko naman ang panlalaki ng mata niya. Minsan makakaramdam ka nalang ng second hand embarrassment. Pero hayaan mo na siya. 'Hahaha opo magkapatid po kami'. Habang naglalakad kami kitang kita ko kung ilang pares ng mata ang nakatingin samin at isa lang ang ibig iparamramdam sakin ng mga matang yun. 'Welcome back'. Yeah its nice to be back I smile at my own thought. Naks parang nawala lang ah. Nawala naman talaga ako eh. SKY'S POV "Bilisan mo kuya, Were late na!!!" Sigaw ni Shy sa labas ng kwarto ko. I SIGHED. Mas excited pa siya kesa sa akin. Ayaw ko sanang umatted but my sister persuade me to. Nabobore na daw siya sa bahay. Tumingin pa muna ako sa salamin and perfect, simpleng denim jeans lang ang suot ko at white t-shirt at pinatungan ko ng denim jacket and converse shoes its cool for me hahaha. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang kapatid ko na naka cross arm at nakataas ang isang kilay tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa. "Really kuya? Denim huh? Lakas maka FPJ." She laugh at me. Yeah right gwapong Fpj. "Whats wrong? Cute kaya." Again natawa siya sa sinabi ko. "Hahaha sa tanda mong yan, you use cute to describe your outfit? Ew." Kung hindi ko to kapatid binatukan ko na 'to. Arte-arte buti nalang gwapo ako. Tatawa-tawa siyang bumaba ng hagdan sinundan ko nalang siya. "Wow kagwapo kang akon mga alaga ba." Nakangiting bungad samin ni manang. Kami lang 'to. Yes she's from visayas sa tagal niya rito naiintindihan na namin ang mga sinasabi niya and we learned a lot from her. "Yeah nanay." Nanay ang tawag sa kanya ni Shy minsan ko lang siyang tawaging nanay Im comfortable calling her 'Manang'. "Sige po lakad na kami." Kumaway pa kami at naglakad papuntang door. "Ingat kayo." Pahabol pa ni manang. "Sige po." Magalang naming tugon ni Shy. Syempre ganun talaga pag maganda at gwapo dapat magalang lang tayo. Diba? We use our car ayaw kasi nitong mag motor kami 'scary' daw psh hahaha. Pagdating namin sa village nila hinarang kami ng guard. Kinatok niya ang bintana ko, binaba ko naman yun at dumungaw ako sa guard. "Uhmm sir we're here to attend a party to our friends' house." Nakuha naman ng guard ang sinasabi ko, siguro nga sinabihan na nila ito kasi kaagad nya kaming pinapasok "Whew." Rinig kong sipol ni Shy. "A friend? Really." Pang-aasar nanaman ni Shy sakin hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang sa pagmamaneho. Habang nagmamaneho nakikita na namin ang mga magagarang sasakyan na nakaparada sa isang tapat na bahay. "Audi's Kingdom." Pagbabasa ni Shy sa nakaukit sa block na nakadikit sa gate nang itigil ko ang sasakyan sa address na sinabi kanina ni Psalem "Sino si Audi?" Ngunot-nuong tanong nya sakin, I just shrug. Bumaba kami pareho ng sasakyan at naka pamewang na nakaharap sa isang mataas na gate na pinalilibutan ng nagtataasang pader. Natawa pa ako sa posisyon namin ni Shy. 'Magkapatid nga kami, pareho kaming posisyon'. "How can we get in?" Baling sakin ni Shy, napaisip naman ako "Wala silang guard!?" Pati nga ako takang taka rin. Hinahanap namin ang doorbell. 'Where is the goddamn doorbell' "Kuya!" Pagtawag sakin ni Shy. Nakita ko siyang nakaharap sa isang... Ano yan!?? Para siyang camera pero hindi naman cctv? "Welcome to Audis' Kingdom, please state your names." Nanlalaki ang pareho naming mga mata ng magsalita ang kung sino man jan sa camera para syang registered robot na hindi ko alam! Napalunok ako. "Hi Im Shy." Rinig kong sambit ng kapatid ko tinapik ko naman siya pero sinenyasan nya akong manahimik. 'Bakit pa kasi na late kami'. "Complete name please" Sambit ng babae sa camera. "Shyphate Alrave Sturn." "You can enter now!" Sabi ng babae. Astig! Hinintay pa ako ni Shy 'Wooh its my turn baby' Medyo kinakabahan pa ako what if isa pala siyang mafia tas babarilin ang gwapong tulad ko. Dejoke lang. "Skyshun Albeit Sturn." "You can enter now." Sabay kaming pumasok ng kapatid ko at literal na nalaglag ang mga panga namin ng makitang malawak pa ang aming lalakarin. "Now this is amazing" Sambit ni Shy pero di ko siya pinansin sa halip ay nagpaikot ikot ako at tinignan ang paligid. 'WOW' Hindi siya yung katulad ng ibang bahay rito, kung yung ibang bahay rito pagpasok mo palang sa gate ay bahay na ito hindi pa. Sa halip ay malawak na garden ang tumambad sa amin na may fountain sa kaliwa na pinalilibutan ng mga rosas pero may pathway siya papuntang fountain pag baling ko sa kanan nakahilerang mga puno sa mga pader ganun rin sa kaliwa kaya pala kahit modern type yung pader nila hindi makita ang sa loob kasi tinatakpan ng olive trees ang ganda niyang tignan. Sa gitna ng kanan ko may bermuda grass well both side yun pero yung pinagkaiba may fountain sa kaliwa rito naman, man-made lagoon na may waterfalls. At may mga upuan at tables pa na may human size umbrella. Dito naman sa tinatayuan namin ay may malapad na path way maroon yung color nun na block basta ang ASTIG. Baka nga talaga anak siya ng Mafia boss? "Kuya lets go." Bumalik lang yung diwa ko nang tawagin na ako ng kapatid ko ang layo nya na pala sakin hehe. Tumakbo ako para mabilis na makahabol sa kanya. And after a minutes here we are standing in their front door. Grabe naman. We blew a wide breath and open....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD