13 years ago... Bagong lipat kami ng bahay at sinadya kong tumakas para pamunta sa isang play ground malapit sa bahay namin na nadaanan namin kanina kaso papunta palang ako non ng bumuhos ang malakas na ulan kaya nag madali na kong marating ang play ground at agad akong sumilong sa ilalim ng padulasan ngunit may naka agaw ng atensyon ko. Isang babae na naka suot ng isang flower dress. Naka upo lang siya sa duyan at hindi alintana ang malakas na pag buhos ng ulan. Patuloy lang siya sa pag duduyan at paulit-ulit sinasabe ang salitang..
'Titila... Hindi titila... Titila... Hindi titila...'
"Miss!"Tawag ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig marahil siguro sa lakas din ng ulan."Malakas ang ulan! Sumilong ka!"Sigaw ko pa.
Nang hindi niya pa rin ako lingunin nag hanap ako ng bagay na pwedeng ipang taklob. Nang may makita akong dahon ng saging na siguradong natanggal na dahil sa napaka lakas din na hangin ay agad kong kinuha yun at ginawang payong.
"Miss."Anang ko ng maka lapit sa kanya."Are you out of your mind? Hindi mo ba nakikitang malakas ang ulan!"
Saglit siyang nag-angat ng tingin sakin at hindi manlang ako pinansin sa halip ay nagulat ako ng bigla siyang mag duyan ng malakas dahilan para mapaiwas ako.
Bahagyang naka taas ang ulo niya habang nag duduyan at parang gustong-gusto pa ang malakas na patak ng ulan napa maang nalang tuloy ako.
'She's weird...'
Saglit pa akong nag isip kung iiwan ko ba siya at babalik kung saan ako naka silong kanina pero sa huli ay napag disisyunan ko nalang na samahan siya.
Dahil sa basang-basa nalang rin naman ako basta ko nalang itinapon ang dahon ng saging na ipinang tataklob ko saka ako naupo sa isang duyan at ginaya ang ginagawa niya. Naramdaman kong natigilan siya pero hindi ko yun pinansin at naka ngiti pa kong nag pa tuloy sa ginagawa.
Nang bahagya ng humina ang ulan ay huminto ako at nilingon siya. Nakatulala lang siya."Hi, bakit nagpapa ulan ka?"Tanong ko, nilingon niya lang nanaman ako at nag iwas ng tingin, Bahagyang nangunot ang noo ko."Pipe ka ba? Huh?"Tanong ko pa pilit na tinatago ang inis.
Matagal pa siyang tumitig sakin bago mag salita."Bakit mo ko nilapitan?"Parang isang malamig na yelo ang boses niya.
Nagtaka man pilit akong ngumiti."Bagong lipat lang kami dito e,"Bumuntong hininga ako ng hindi siya mag salita."Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala pa kase akong kakilala di---"Di natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo.
"Ayoko."Walang reaksyong aniya ng hindi ako nililingon.
"T-Teka."Pigil ko sa kanya ng akma siyang mag lalakad. Pumunta ako sa harapan niya."Bakit naman hindi pwede?"Takang tanong ko.
Walang reaksyon siyang nag angat ng tingin sakin."Dahil hindi mo gugustuhin maging kaibigan ako."
'Ha? Kaya nga ko nakikipag kaibigan sa kanya dahil gusto ko maging kaibigan siya.'
Nang hindi ako makapag salita ay basta niya nalang akong tinalikuran. Hinabol ko naman siya.
"Hey, gusto ko maging kaibigan ka."Ani ko na naka yuko na sinisilip yung muka niya habang sinasabayan siya sa pag lakad dahil hindi manlang siya humihinto para harapin ako."Wala pa kong kilala dito e-- sige na friends na tayo."Naka ngiting pangungulit ko.
"Ayoko."
"Bakit nga ayaw mo?"
"Dahil ayoko!"Matigas na aniya at bigla akong hinarap.
Bigla akong kinabahan dahil sa sama ng tingin niya.
"Wag mo na uli akong lalapitan!"Mahinahon ngunit nakakatakot ang tono niya para bang may hindi magandang mangyayare kapag hindi ko sinunod yung sinasabe niya.
Hindi agad ako nakapag react kaya naman ng lampasan niya ko ay gulat pa rin ako. Nang mapawi yun ay agad ko siyang nilingon. Nakita kong hindi pa siya nakakalayo pero hindi ko na siya sinundan sa halip ay napa ngiti sa di malaman na dahilan dahil may parte sa puso ko na nagsasabe na hindi siya masamang tao kahit yun ang ipinapahiwatig niya.
"Ms.Flower dress!"Sigaw ko at natigilan naman siya sa paglalakad."Gusto ko pa rin maging kaibigan ka!"Sigaw ko pa, nag patuloy naman siya sa paglalakad."Hihintayin kita bukas ng alas nuwebe ng umaga! Kapag dumating ka ibig sabihin mag kaibigan na tayo ha!"Dagdag ko pa hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
"Kiel, anak. Saan ka ng galing at basang-basa ka?"Salubong sakin ni Mommy ng maka uwi ako.
"Son."Gulat na ani din ni Daddy.
"D-Diyan lang sa po sa p-play ground Mommy malapit dito."Utal na sagot ko.
"Bakit hindi ka nag paalam? Nag aalala kami ng Daddy mo."Kunot noong aniya at nilingon si Manang."Manang paki kuhaan siya ng towel."Utos ni Mommy agad namang sumunod si Manang.
Naka yuko na ko ng lingunin ako ni Mommy dahil siguradong pagagalitan niya ko."Kiel? Titanong kita bakit hindi ka nag paalam."
"S-Sorry mom..."Tanging nasagot ko, pareho silang napa buntong hininga ni Daddy.
"Wag mo na ulit uulitin ang umalis ng walang paalam, naiintindihan mo ba ko."Ma awtoridad na sabi ni Mommy at tinalikuran ako.
Galit talaga siya. Sorry mom...
Lumapit sakin si Daddy at sinadyang yumuko para mag pantay kami."Next time mag paalam ka, sobrang nag-alala lang talaga yung Mommy mo."
Tumango ako."Opo, dad."
Bumuntong si Daddy."Sige na mag palit kana baka magka sakit ka pa."
Matapos akong kausapin ni Daddy ay umakyat na ko sa kwarto ko para makapag palit. Alam kong gusto niya rin akong pagalitan kanina pero pinigilan niya dahil nagalit na sakin si Mommy.
Matapos kong mag palit ay bumaba na agad ako para sa dinner at hanggang sa oras na yun ay hindi pa rin ako nagawang pansinin ni Mommy. Naiintindihan ko naman kung bakit nagalit siya at sigurado akong sobra lang siyang nag-alala sakin.
Kinabukas ay nagising nalang ako sa magkaka sunod na katok ngunit hindi ko magawang bumangon para buksan yun dahil parang ang bigat-bigat ng katawan ko at parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nanginginig din ang buong katawan ko.
Naramdaman ko nalang ang pag bukas ng pinto."Kiel, anak."Nag aalala agad yung tono ni Mommy, kinapa yung noo ko."Sobrang init mo, ayan na nga ba ang sinasabe ko e."Dagdag niya pa at agad akong inasikaso.
Nang maalala ko na may usapan pala kami ni flower dress ngayon o sa tamang salita ay ako lang pala ang nag sabe na mag kita kami.
Hinawakan ko yung kamay ni Mommy abala siya sa pagpupunas ng basang bimpo sakin para maibsan ang init ng katawan ko.
Nag-aalala naman siyang tumingin."Do you need anything?"Tanong niya.
Umiling ako"What time is it?"Nanginginig ko pang tanong.
"It's 10:30 am. Why?"Takang tanong niya?
Agad akong napa buntong hininga. Late na ko."I need to go to the play ground."
"What? No. May sakit ka."
"But, mom. Please..."
"I said no, look at yourself ang taas ng lagnat mo."
Alam ko namang hindi siya papayag pero sumubok pa rin akong mag tanong.
Mag hapon lang akong inasikaso ni Mommy at hindi na talaga ako naka punta sa play ground dahil sobrang sama pa din ng pakiramdaman ko kahit uminom naman na ko ng gamot kahit gustuhin ko tuloy na puntahan si flower dress at nagbabaka sakali na sumipot siya ay hindi ko magawa dahil siguradong magagalit si Mommy kapag tumakas nanaman ako lalo na at may sakit pa ko ngayon.
Napa buntong hininga nalang ako sa kawalan ng magawa at pa ulit-ulit tinatanong yung sarili ko kung..
Pumunta kaya siya...