CHAPTER EIGHT

2573 Words
Chapter 8: Stelian  Huwag sabihin ng dalawang ito na hindi sila magkukwento tungkol kay Stelian at Leon? Hindi naman yata iyon sekreto para hindi ko malaman. Ang mga mata ni Denrek ay tila nagbabala ito. Habang ang kay Charlie naman ay parang naguguluhan. “Hindi naman yata iyon sekreto di’ba?” Tanong ko sa kanila. Parang pinagdadamot ng mga ito ang impormasyon na gusto kong malaman. Alam nila na sa oras malaman ko ang buhay ni Stelian at Leon ay magkakaroon ako ng pira-pirasong impormasyon na puwede kong ipagdugtong. Seryosong tiningnan ni Charlie si Denrek. “Ikaw ang magku-kwento sa buhay ni Leon, " aniya kay Denrek, "at ako naman kay Stelian.” Parang nag-atubili pa ito. Ngunit sa sinabi niya ngayon ay tila naging pag-asa iyon sa akin. Mas lalo akong na-excite. Hindi ko lubos akalain na magku-kwento nga sila. Sana nama'y totooo ang lahat at walang halong kasinungalingan. “Mauna ka.” Wika ni Denrek. Medyo balisa ito at halatang ayaw pag-usapan ni Denrek ang Leon na iyon. Naiintindihan ko naman siya, sino ba naman ang hindi magagalit kung ginawang miserable ang buhay nito sa mahabang panahon. At ngayon, hindi pa nakaganti ang mga ito sa kademonyohang ginawa ni Leon sa kanila. “Kung ano man ang sasabihin namin saiyo, Alex, ipangako mong huwag mong ipagsasabi, atin-atin lang ito hangga't maaari. Lalo na kay Stelian, ayaw nitong pag-uusapan ang buhay niya. Gagawin namin ito dahil nailigtas mo siya kagabi.” Mahabang paliwanag ni Charlie. Naiintindihan ko iyon kung ayaw ni Stelian na malaman ng iba ang tungkol sa kanya. Isa iyong privacy. Ngunit sa tingin ko’y may karapatan ako na malaman ito ngayon. Hindi ko alam ngunit mas intresado akong malaman ang lahat tungkol kay Stelian kaysa sa Leon na iyon. "Bakit ayaw ni Stelian na ikuwento sa iba ang buhay niya? I mean, pwede naman 'yon diba? Lalo pa't may kapangyarihan siya at tinutugis, malamang alam na ng mga bampira kung anong meron siya sa nakaraan." Tama! Baka sa akin lang talaga sila nagi-sekreto. Napabuntong hininga ako at binigyan ko sila ng matamas na ngiti. "Alam mo Alex, may bagay na pilit na kinakalimutan at ayaw ng balikan ng isang nilalang na kagaya namin dahil isa lang iyong bangungot at habang buhay na naming daldalhin." Si Denrek ang sumagot. "Okey, ngayon ay medyo na-gets ko na." Kahit na alam kong walang kasiguraduhang hindi ko nga iyon iku-kwento sa iba ay nanindigan parin ako para lang magkwento sila sa akin. “Nangangako akong magiging sekreto lang natin ang aking mga nalalaman.” Wika ko nalang para mapanatag ang mga ito. Pero sa loob-loob ko ay hindi ko talaga maipapangako iyon. May mga pagkakataon sa ating buhay na ang ayaw mong malaman ng lahat ay nalalaman nila! “Stelian was the only original son of the oldest vampire. Literally, nanggaling siya sa angkan ng mga maharlika. He was born completely vampire. Wala pa noong batas tungkol sa mga batang bampira. Absolutely, siya ang pinakamakapangyarihang bampira noon at even ngayon.” Napahinto si Charlie at tumingin kay Denrek. Tumango lang si Denrek hudyat para magpatuloy si Charlie. “Stelian met this mortal woman, Veronica, they felt in love with each other. Sobrang saya nila noon, nasaksihan ko iyon dahil nasa tabi na ako ni Stelian noon pa. Veronica became a vampire, ayaw ni Stelian na maging bampira si Veronica ngunit dahil sa kagustuhan ni Veronica na makasama si Stelian, ginawang bampira ni Stelian si Veronica.” Napahinto ulit si Charlie ngunit sa pagkakataong ito ay sa akin siya nakatingin. Hindi ko alam na may iniibig na pala itong si Stelian noon. Ngunit bakit niya ako hinalikan?  Saan na si Veronica? “Just continue Charlie, gusto ko ulit marinig ang tungkol sa buhay ni Stelian. Sobrang masaklap ang mga naranasan niya.” Ipinatong ni Denrek ang dalawang kamay nito sa mesa at binitawan ang wine glass. Kagaya niya ay ganoon din ako. Pero naagaw talaga ang aking atensyon tungkol kay Veronica na 'yon. Sobrang napaka-intresado ang buhay ni Stelian. Mas lalo akong nanabik sa mga impormasyon na gusto kong malaman. Tumongga muna ng alak si Charlie bago ito nagpatuloy. “Hindi inakala ng lahat na magiging makapangyarihan ding bampira si Veronica. May kakayahang makabuhay ng patay. Marami ang nagka-interes sa kanyang kapangyarihan. Ang susi para makuha mo ang kapangyarihan ng ibang bampira ay kailangan mo itong mapatay. Sa panahong iyon ay wala pang mga makapangyarihang bampira bukod kay Stelian at Veronica may mga naunang makapangyarihan sa kanila at mga maharlika din ngunit napatay ang mga ito maging ang mga ninuno nila ni Stelian at Leon. Hanggang sa dumating si Leon sa buhay nila. Si Leon ay kapatid ni Stelian sa ama, sa madaling salita anak ito sa labas. Kagaya ni Stelian may kapangyarihan si Leon ngunit mas malakas pa si Stelian rito. Because of hatred, Leon killed their father and Stelian’s mother. Nakuha ni Leon ang kapangyarihan ng mga magulang ni Stelian. Mas lumakas si Leon. Sobrang nagalit si Stelian sa ginawa ni Leon ngunit hindi niya ito magawang mapatay. Malakas na ito at marami itong mga tauhan. Nagpasya si Stelian na lumayo kasama si Veronica, namuhay sila ng payapa bilang mag-asawa. Ngunit pinahanap sila ni Leon, gusto nitong makuha ang kapangyarihan nilang dalawa. Until such time nakuha ni Leon si Veronica at pinatay niya ito. Naging masalimuot ang buhay ni Stelian, punong-puno siya ng galit. Ngunit kailanman ay hindi siya kumitil ng para lang maibsan ang kalungkutan. Wala siyang pinagbuntungan ng kanyang galit bukod sa kanyang sarili lamang. Kakaiba siya kung magalit pinapakulog niya ang buong kalangitan. Iyon ang ginagawa niya upang maibsan ang kanyang galit at kalungkutan. Gusto niyang maghiganti ngunit mapapahamak lamang siya. Sobra nang malakas si Leon. Hanggang sa makilala niya sina Denrek at ang iba nitong mga kaibigan.” Tumongga si Charlie ng alak. Sa pagkakataong iyon ay naubos niya ito. Habang nakikinig kay  Charlie ay masasabi kong hindi nagkakalayo ang naranasan ni Stelian kay Denrek halos magkapareho sila. Ngunit ang mas nakakaawa kay Stelian ay kapatid niya mismo ang kanyang kaaway. Paanong nagawa ng isang anak ang pumatay sa kanilang magulang? Sobrang sakit iyon sa kalagayan ni Stelian. At wala na sigurong mas isasakit pa na kapatid mo mismo ang pumatay sa iyong asawa. Isa lang ang masasabi ko, si Leon ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ito naging hangal sa kapangyarihan ay magiging maayos ang lahat. Sobrang marami nang pinsala ang nagawa ng Leon na iyon. Oras na siguro na manahimik ang totoong halimaw. Wala sa sariling naikuyom ko ang aking dalawang kamay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan basta’t nakaramdam ako ng kakaibang galit. Parang may parte sa isip ko na gusto kong patayin ang Leon na iyon. “Are you, okey?” Tumingin si Denrek sa kamay ko. Napansin nito ang pagkuyom ko. “Oo.” Sagot ko. Nadala lang siguro ako sa kwento ni Charlie. Sobrang kasaklap-saklap ang nangyari sa mga ito. Wala ring pinagkaiba ang mundo nila sa mundo ng mga tao. Hindi maaliiwasang mayroon talagang mapagsamantala. Medyo tumahimik kami saglit. Hindi ko mabasa ang mga iniisip nila. Si Denrek, pinaglalaruan lang ang wine glass at kaunting laman na dugo. Si Charlie naman ay pilit paring umiinom. Nag-isip ako ng puwede kong itanong,  iyong hindi mahahalata ng mga ito na unti-unti na pala akong kumakalap ng impormasyon. "Diba maharlika lang na mga bampira ang may kakaibang kapangyarihan?" Pagsisimula ko sa bago naming usapin. Ayoko munang magtungo sa buhay ni Leon. Hindi na ako intresado. Sapat na iyong mga nalalaman ko sa bampirang iyon! Nakatingin sila sa aking dalawa,  parehang seryoso ang kani-kanilang mukha. "Bakit ikaw Denrek,  tao ka, tapos ginawa kang bampira at nagkaroon ka ng kapangyarihan?" Medyo tumaas ang isang kilay ni Denrek sa tanong kong iyon. Ang alam ko sa maharlika ay mga nakakataas. Napailing si Denrek. Kumuha pa ito ng nagdugo at isinalin sa sa hinawakang wine glass. Hinintay ko siya bago sumagot. "Dahil iyon sa puro pa ang aking pagkatao." Lumagok siya ng dugo. "Puro?" Hindi ko mapigilang sambitin. Ibig sabihin ay birhen ito noong pinadukot siya? "Marami ka pang hindi alam,  Alex,  hindi ako kabilang sa maharlikang pamilya. Ngunit hindi iyon nangangahulugang hindi ka magkakaroon ng kapanyarihan." Tumahimik siya, "sobrang daming paraan,  Alex." "Sabihin mo sa akin." Nahawakan ko ang malamig nitong kamay. Desperado na ako,  gusto kong malaman ang mga pinanggalingan ng kapangyarihan nila. "Gusto kong malaman ang iba pang paraan." "Okey." Lumagok na naman ito. Inilayo ko ang kamay rito ay inilagay iyon sa harap ko. "Hindi lahat ng tao na nagiging bampira ay nagkakaroon ng kapangyarihan. Kailangan ang taong iyon ay puro,  it means virgin, hindi pa nakaranas ng s*x. At kapag may napatay kang maharlika na bampira ay maaari mong makuha ang kapangyarihan nila kung gugustuhin mo. Mayroon din sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Maaaring makuha mo ang kapangyarihan ng katalik mo o ang kapangyarihan mo ang makukuha niya." Tipid na ngumiti si Denrek. "Totoo? Eh bakit sa mga movies wala namang ganon?" Tangna, baka niloloko niya lang ako. "Alex, iba ang mga napapanood natin sa palabas sabihin  nalang natin na may pagkakataong tumutugma ang kanilang ideya ngunit hindi lahat. Mas mainam kung titingnan mo ang reyalidad kaysa nagkakandarapa kang paniwalaan ang isang kathang isip lamang." "Sabagay." Humugot ako ng malalim na hininga, "pero parin maaalis sa ating isipan na maniwala sa kanila." "Ikaw ang bahala kung maniniwala ka sa akin Alexandra. Basta ang aking sinabi saiyo ay totoo lahat." "Sandali, ang kapangyarihan ba ng iba ay nakukuha kaagad after mong patayin siya o nakipagtalik ka sa kanya?" Medyo curious parin ako. Ang hirap naman kasing paniwalaan. "Hindi Alex." Mabilis na sagot ni Charlie, " I mean oo at hindi ang sagot sa tanong mo." "Bakit?" Kay Denrek ako nakatingin. "Kapag pinatay mo ang bampirang maharlika otomatikong nakukuha mo ang kapangyarihan niya. Ngunit sa pakikipagtalik kailangang may permiso iyon ng katalik mo kaya medyo mahirap iyong gawin. Mas madali kang magkakaroon ng kapangyarihan kapag pinatay mo mismo ang isang bampira." "Ahh, I see." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Denrek. Sobrang hirap kung ganoon. Sa parte ko ay birhen pa ako, hindi ako nakarananas ng sekswalidad. At maaari ring birhen pa si Loraine kaya pinadukot ito. Biglang sumagi sa isip ko si Stelian at Veronica. Paanong pareho silang maging malakas. Mag-asawa na sila,  ibig sabihin isa sa kanila ang nawalan ng kapangyarihan. "Iyong nangyari kay Stelian at Veronica...paanong nanatiling malakas sila?"  Sa tanong kong iyon ay nagtinginan na naman si Denrek at Charlie. Ngunit nakuhang magsalita ni Denrek. "Sa sitwasyon nilang dalawa. Ang parehong lakas nila ay nagsama,  mas lalo itong pinalakas ng totoong pagmamahalan." Napatitig ako sa pitsel na may dugo. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kung ganoon mahal na mahal ni Stelian si Veronica, ngunit bakit niya ako hinalikan? s**t! Bakit ba parati ko iyong ginawang dahilan sa tuwing naiisip ko ang pagmamahal ni Stelian sa Veronica na iyon? "Anong ibig sabihin ng isang halik sa mga bampira?" Hindi ko alam kung tama bang tinanong ko iyon dahil nanlaki ang mata mga ni Denrek sa tanong ko. Hindi naman siguro nito alam na hinalikan ako ni Stelian. Kami lang dalawa nong hinalikan niya ako. At si Charlie ay hindi rin nito alam. "Kagaya sa mundo ng mga tao,  ang isang halik ay sagrado. Kapag hinalikan ka ng isang bampira ang ibig sabihin non ay gusto ka niyang makasama ng matagal. At maging ina ng inyong mga anak." "Ha?" Medyo kinilabutan ako. "Bakit Alex? May humalik na ba sa'yong bampira?" "Ha? Wa-wala. Sino naman ang hahalik sa akin, eh, kayo lang naman ang mga nakakasama ko rito." Napakagat ako sa ibaba kong dila. Sana lang ay hindi nila mapansin na may tinatago ako sa kanila. "Okey, basta Alex, iyon ang kahulugan ng isang halik sa aming mga bampira. Ang labi namin ay konektado sa aming puso. At puso ang nagdidikta sa lahat." Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Anong motibo ni Stelian sa halik na iyon? Impossibleng hindi nito alam kung ano ang ibig sabihin ng isang halik. "Baka Alex, may humalik na sa'yong bampira at ayaw mo lang sabihin?" Medyo pabirong tanong ni Denrek. Hindi ko puwede sabihin sa mga ito na hinalikan ako ni Stelian. Baka may ibang dahilan ito. "Wala nga diba, ibibigay ko lang ang aking halik sa taong mahal ko." Sagot ko. Ngunit hindi mawala sa isipan ko ang halik ni Stelian. Nagsisisi ako ngayon sa aking itinanong. Mas lalo akong mag-iisip nito na hindi naman nakakatulong. "Tama iyan,  Alex. Sagrado ang isang halik,  puwedeng lason sa puso o panglinlang lang saiyo." Si Charlie. Napaisip na naman ako. So anong dahilan ni Stelian? Alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Charlie sa sinabi nito. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang kahulugan non. "Noong nawala ba si Veronica ay natutunan ba ni Stelian ang umibig sa ibang babae?" Masiyado na akong ovious at tila ba'y nagkakaroon na ako ng interes. "Hindi siya humanap ng iba,  Alex. Naging masalimuot ang buhay niya nang mawala ang lahat kay Stelian. Kapag nagmahal ang isang bampira ay hindi na sila maaaring magmahal pa. Hindi iyon batas, kundi iyon ang nalagay sa kanilang puso. Kung mamatay ang kabiyak mo ay hanggang dulo mo itong dadalhin. Sa tanang buhay mong dadalhin ang kirot sa puso mo." Si Charlie ang sumagot. Mababakas sa pananalita nito ang lungkot at pagkaseryoso. Nailunok ko ang malaking laway na bumabara sa aking lalamunan. Kung ganoon,  nasa hinagpis si Stelian. Habang buhay nitong dadalhin ang pagkawasak ng kanyang puso. Kaya siguro malamig at brusko ang pakikitungo ng gagong iyon sa akin. Masasabi kong mas masilumuot ang buhay kapag bampira ka. Hindi tulad nang tao, limitado ang buhay mo at kung mamatay ka tapos na lahat. "Ikaw ba,  Alex." Si Charlie. Tiningnan ko siya, "nasubukan mo na bang magmahal." "Oo." Mabilis kong sagot na ikinaawang ng mga labi nila, "sa mga magulang ko." Dagdag ko. Kung iniisip nito ang pagmamahal tungkol sa mga lalaki ay hindi pa. Hindi ko iyon iniisip at hindi man lang sumasagi sa aking isipan! "Paano kung nagawa mo na palang umibig." Ngayon ay si Denrek ang nagsalita. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa aking mga mata. "Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasang umibig sa isang lalaki." Seryoso narin akong tumingin kay Denrek. At isa pa, wala naman akong nagugustuhang lalaki. I  mean, nakaka-appraciate ako ng gwapo, makisig at very attractive dahil nature naman iyon ng isang babae. Ngunit ang ibigay ko ang aking puso ay hindi pa iyon nangyayari. At hindi ko alam kung kailan ako iibig.  "Paano kung mahalin ka ni Stelian?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtingin ko kay Charlie. Ang mga ito na ang nagsabi kanina na kailanma'y hindi na maaaring umibig muli ang isang bampira. "Hindi ko pa alam ang sasabihin." Wika ko kay Charlie. Kay bago ko lang nakilala si Stelian kaya malabong magkagusto ako rito. Sabihin na natin na gwapo at may matipuno itong pangangatawan. Ngunit ang pagmamahal ay hindi basta-basta dumarating. Kailangang paghirapan ito! At iyon ang sinabi ni Papa sa akin noon. Bago paman niya napangasawa si Mama ay niligawan niya ito ng halos dalawang taon. Iyon ang pagmamahal,  hindi basta ibinibigay. "Masasagot mo iyan balang araw,  Alex." Nakakasigurong wika ni Denrek. Hindi nalang ako kumibo. Basta ang alam ko lang ay lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan. Nagbabago ang mga ito. Kung darating man ang balang araw na iyon. Nakakasigurado akong handa na akong magmahal. Mas importanteng mailigtas si Loraine sa mga kamay ni Leon. Sa mga kwento ni Charlie at Denrek,  nakakasigurado akong mahirap kalabanun si Leon. Iyon ang dapat pagtuonan ng pansin. Hindi iyong pagmamahal na iyan. Napansin kong nanunuyo na ang aking pinagkainan kanina. Medyo matagal ang aming naging kwentuhan. Tatayo na sana ako para ako na ang maghugas sa mga plato ngunit mabilis akong napigilan ni Charlie. "Gusto mo bang malaman ang pagkatao ni Leon?" Si Denrek. Napako ang aking katawan sa aking kinauupuan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD