CHAPTER TWELVE

2570 Words

Chapter 12: Bampirang Ligaw  Nabitawan ako ng bampira at napahiga ako sa sahig. Habol ko ang aking hininga habang pinipilit na makalanghap ng hangin. Labis akong nanghihina ngunit pinigilan ko ang aking sarili na huwag himatayin.   Laking pasasalamat ko nang unti-unting may hanging dumadaloy sa aking mga ugat dahilan para manumbalik ang aking ulirat. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at bumungad sa akin si Stelian. Nanlaki ang aking mata sa gulat nang makita kung paano niya pahirapan ang masamang bampira. Hawak-hawak nito ang leeg ng bampira at isinandal niya iyon sa pader.   Napansin kong may kuryenteng lumabas sa kanyang kamay. Mula sa maliit na paglabas hanggang sa nakakatakot na itong tingnan. Sobrang gandang tingnan ni Stelian na kumikinang siya dulot ng elektrisidad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD