CHAPTER FORTY

2734 Words

Chapter 40: Labanan  "Oo ngunit bumabalik ito kapag mayroong mangyayaring kakaganapan." Si Aries ang sumagot na siyang nagbigay ng linaw sa akin ngunit bakit nila dala 'yan?   "We need his blood, Alex." Pag-uulit ni Letisha.   "Ano ang gagawin niyo sa dugo ni Conal?" Kaagad akong kinabahan. Ayokong may mangyaring masama sa batang ito.   "Huwag kang mag-aalala Alex. Kaunting dugo lang kukunin sa bata upang mabuksan ang propesiya." Si Letisha.   Nag-aalala ma'y ngunit kailangan kong mapanatag, "bakit dugo ni Conal?"   "Hindi ko alam Alex ngunit bigla nalang nagparamdam sa amin ni Leon ang aklat," anas ni Aries.   "Ang kulay ng mata ni Conal, nabasa ko ito sa propesiya. Ang dugo niya ang siyang magpapalabas ng mga letra sa blangkong pahina na aking itinanggal mula sa aklat."  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD