Chapter 19: Ito na yata ang pinakasarap na parusa Matapos kaming kumain ni Stelian ay ako na naman ang naglinis dahil maaga itong nakapagluto. Sobrang dali ko na naman iyong natapos kaya pumunta na ako kaagad sa shower para makaligo. Lumabas ng kubo si Stelian para magpahangin kaya ako lang dito sa loob. Pagpasok ko ay agad kong napansin ang bintana na isanarado ko kagabi. Bigla kong naisip ang aking nakita, hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako. Minabuti ko nalang ang maligo ng mabilisan. Nang matapos ay lumabas na ako. Dahan-dahan lang ang aking paglakad baka nasa loob si Stelian. Pagdating ko sa kama ay hindi pa siya pumapasok. Minabuti kong magbihis ng mabilisan. Inayos ko muna ang aking sarili bago sumunod kay Stelian sa labas ng kubo. Agad ko siyang nakita na nakaupo

