Chapter 37: Death "Tigilan niyo na muna iyan, nandito ang mga kalaban natin at kailangan natin silang harapin." Wika ko sa dalawa. Hindi ko alam na magkakilala na pala ang mga ito. Oh tamang sabihin lovers? "Ano ang ginagawa ninyo rito Denrek?" Galit kong tanong sa kanila. Ang akalang kaibigan ko noon na si Denrek ay isa palang kaaway na nagdadalawang isip na akong mapapatawad pa ba siya. Pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay tila nadadagdagan lang nila ang galit ko. "Humihingi pa sila ng karadagang dugo gayong wala na kaming natira pa rito." Si Vladimir ang sumagot. Kaagad kong pinasok ang puso ni Vladimir upang malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. At gaya ng kanyang sinabi, wala na ngang dugo. Tiningnan ko sila ng masama. "Oh? Ano kayo magmu-mukbang sa malaking bahay

