Chapter 21: Velorina I can feel and sense na parang may mahal ng iba si Leon ngunit pinili ko paring sumama sa kanila. Magandang oportunidad ito. Kahit hindi ko tahasang inamin kay Leon na ako talaga to si Velorina ay nararamdaman niya iyon. Alam ko dahil kahit papaano ay nagsama kaming dalawa ng mas mahabang panahon. At si Loraine, puwede kong magamit ang katawan niya para kay Veronica. Sobrang lakas ng kapangyarihan ni Loraine at sa tingin ko'y makakaya nito ang lakas ng aking kapatid. Hindi ko na dapat pang isipin ang tungkol sa amin ni Leon. Dapat ay makabalik na kaagad rito si Veronica, hindi ko kakayanin si Leon nang mag-isa lang. "Ito ang magiging kwarto mo, Velorina." Masayang wika ni Loraine at parang hindi ito naiilang o natatakot manlang sa akin. Sa bagay, nakikita ni

