Chapter 23: Marvos, Sokolatas, Leptos Alam kong ang lahat ng ito ay tanging pagsubok lang na nagaganap sa akin. Alam kong may plano ang Diyos at kailangan ko iyong tuklasin. Sa ngayon ay kailangan kong pagbutihin ang paninilbihan kay Aries pati na sa tatlong anak nito. Mahirap ngunit kakayanin, lalo pa't hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng tatlong bata na ito. Alam ko rin na sobrang cute nila na kahit sino man ang makakakita sa tatlo ay mahuhumaling sa mga ito. Ngunit sa kabila ng nakakahalina nilang mga mukha mayroong nakabitbit na parang sumpa sa kanila. Iyon ang katotohanan na mahirap tanggapin. Walang awa ang gumawa nito sa kanila! May nagtutulak sa aking isipan na gusto kong alamin kung bakit nga ba ganoon ang mga anak ni Aries. At bakit magiging ahas ang mga ito pag

