ALICE Masiglang hallway, abala na mga opisina, at ang sigawan at tawanan ng mga estudyante. Unang araw ngayon ng pasukan sa kolehiyo at malayong-malayo ang kapaligiran ngayon sa kapaligiran noong consultation day, malayo sa nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko naisip dati na exciting ang unang araw ng pasukan kung puro sigawan at tilian lang naman ang sasalubong sa akin. Sa totoo lang, bilang isang guro, ito ang pinakaayaw kong marinig sa loob ng classroom ko. But ironically, sabik na sabik din ako — ang 17-year-old na ako. Wala naman akong ibang kakilala sa klase ko, wala pa akong masyadong close o nakakausap. Hindi na rin naman kami magkaklase ng mga kaklase ko noong senior high school, iba kasi ang kurso nila. Si Mike lang talaga ang kakilala ko sa buong college na

