ALICE As a teenager, I always thought that I am special. That I can do everything, I am beautiful, and a genius dahil lang sa iilang bagay na swerteng mayroon ako na wala ang iba. Mga bagay na kaya kong gawin na hindi kayang gawin ng iba. Dahil mas magaling ako sa arts kaysa ibang bata noon ay akala ko kaya ko nang gawin ang kahit ano. Ilang beses din akong nasabihan na maganda, o ang tangkad kong bata, o kaya naman ay maganda ang kutis ko. At palagi rin akong may uwing medalya noon tuwing graduation kaya inakala ko na isa akong henyo. Pero unti-unting nagbago ang lahat noon tumatanda na ako. And it cringes me to the bone to see my young self thinking the same way again. Nagkaroon ako ng saglit na pagmumuni-muni habang abala pa rin sa pagtingin kay Nathan ang mata ng 17-year-old na a

