ALICE "ERIC!" Isang napakalakas na sigaw mula sa loob ng unit ni Ate Althea ang bigla naming narinig ni Eric. Segundo ang lumipas ay bumukas ang pinto ng unit at dumaan ang napakalakas na hangin at mabilis na takatak ng takong. Ang sunod ko na lang na nakita ay si Eric na napaatras ng isang beses sa tabi ko na kasama ang isang babae na blonde ang buhok. Wala naman masyadong kakaiba rito, wala sana, kung hindi lang sana niyakap ng mabilis pa sa kidlat ng babae si Eric habang hinahalikan niya ito sa labi. She is kissing my boyfriend right in front of me. Eric's eyes are literally popping with surprise and his lips are awkwardly sealed close while the woman kept pushing her lips and tongue in. Nakalimutan ko nang magalit dahil sa gulat. "Max!" bulyaw ni Kuya Kurt na nagmamadaling tumak

