ALICE Eight o'clock sharp. Ito ang oras na napagkasunduan namin ni Mike. Pero 8:03 na nang sinilip ko ulit ang oras sa aking mumurahin na itim na relo. Imbes na mangamba na baka iwan niya ako ay kalmado lang akong nakaupo sa loob ng jeepney habang nakikinig ng tugtog sa earphones ko. Isang minuto ang lumipas mula nang sinilip ko ang oras ay inalis ko na ang earphones sa tenga ko. Sumilp na ako sa salamin ng driver at sabay na kinatok ang bubong ng jeepney. "Manong, para po!" sigaw ko ng malakas, nasa kabilang duo kasi ako katabi lang ng pinto, kaya nilakasan ko na lang para marinig ng driver. "Paabot po ng bayad," pakikisuyo ko sa katabi kong lalaki na kanina pa natutulog. Syempre hindi niya ito inabot kaya nagkusa na lang ang katabi niyang babae. "Salamat," sabi ko bago bumaba na n

