ALICE "Ano ba ang nangyari at nandito ka?" tanong ko kay Eric habang hawak ang pinto ng sala. Papasok na kasi siya ng bahay bitbit ang dalawang malalaking maleta. "I'm so sorry about this," sabi niya. Inuna niya muna na ilagay sa gilid ng sofa ang itim na maleta saka bumalik ulit sa pintuan para kunin ang silver na isa. Pinanood ko lang siya the whole time tapos ay isasara na sana ang pinto nang malagay na niya sa tabi ng itim na maleta ang isa. "Ah, 'yung kotse mo, dala mo ba?" banggit ko nang makita ko na walang kotse na nakaparada sa harap ng bahay ko. "Yup, pinarada ko na lang doon sa unahan. May nauna na kasi sa kabilang kanto," Eric replied, implying that he was avoiding double parking. Sinara ko na ng tuluyan ang pinto at nagmadali nang pumunta sa kusina para kumuha ng pitsel

