ALICE Yesterday was insane. Natulala ako sa kama paggising ko kaiisip sa mga nangyari kagabi. Naalala ko ang namumulang mukha ni Eric noong tinanong ko siya tungkol sa paglipat sa kuwarto, tapos sunod ko na lang na namalayan ay nasa kuwarto na niya kami. I've been in this room several times, kami ngang dalawa mismo ang naglinis nito, hindi ba? Pero bakit pakiramdam ko ay nasa kuwarto ako na tanging si Eric lang ang gumamit? Like as if this is his real room, his home, and I am here as a visitor. Balot na balot kasi ng amoy niya ang buong paligid. It's strange, but a great way of being strange. Napalingon ako sa kabilang dulo ng kama niya. Wala na roon si Eric pero naririnig ko ang pagbagsak ng tubig mula sa banyo. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto ng kuwarto sanhi para marinig ang in

