Paghatid pa lang ni Manong Edgar sa akin mabilis na akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Bumulaga sina Secretary Lee at ang bruhildang nakaaway ko ‘nung nagpunta ako sa office ni Diego at kung hindi ako nagkakamali siya ay si Vanessa. Ano ba ang ginagawa ng mga ito sa bahay? Meron ba akong dapat malaman o ano? Kinakabahan tuloy ako! Bakit naman kaya nandito si Vannesa? Anong ginagawa nang babaeng 'to dito? Buntot ba siya ni Diego? O sadyang baliw lang talaga siya? “A-Anong ginagawa ninyo dito, Secretary Lee?” May inabot siya sa akin na papel at tiningnan ko kung ano iyon at napag alaman kong mga branded medicines ang nakareseta, “Ma’am, kayo na po ang bahala kay Mr. Hernandez, he’s not feeling well, fever and cough ang sabi ng doktor at sobrang pagod daw po." Kaagad akong lumap

