“Happy Birthday, love..” He whispered. Bigla ko tuloy naalala ang mommy niya na ngayon rin yata ang kaarawan dahil gusto niya akong papuntahin sa birthday party nito. “Love? Ngayon rin ang birthday ng iyong mommy-” “No, actually, pakana ko ang mga ‘yon para supresahin ka. You already forgot your Birthday that’s why I plan and talk to mommy Olivia para tulungan akong gawin ang mga ito.” He confessed. “Seriously? Nakakainis ka!” Mabilis akong humarap sa kanya at ginulo-gulo ko ang buhok niya bago mabilis na tumakbo sa kapatagan. Tumawa ako dahil napa atras siya at nang makita ko ang magulo niyang buhok mas dumoble ang ngisi ko sa aking labi pero kahit ganun ang gwapo niya pa rin tingnan mas doble pa nga, e. “Akala mo, ah! Pinagkaisahan niyo ako nagmamadali pa man din ako tapos ako lang

