4 Months Later… Loree Mae’s POV “Ma’am, nasa ilalim po ang best friend mo, hinahanap ka.” Sabi ni Elsa, katulong namin, pagkatapos niyang makapasok sa kwarto ko. “Si Rian?” Tanong ko. “Opo.” “Sige, pakisabi bababa na ako in a while.” Tango lang ang binigay sa akin ni Elsa bago niya nilisan ang silid ko. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng yun dito sa bahay namin sa mga oras na ‘to? Alas siyete pa lang ng umaga ah. Bumangon na ako at inayos sandali ang buhok ko, nagmumog ng bibig at bumaba na. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at tahimik na naghihintay sa akin. “Hey!” Bungad ko sa kanya nang nakalapit na ako. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis saka tumayo at binigyan ako ng halik sa left cheek. “Good morning, best! How’s your sleep?” Masigla at masaya ang mga tinig na bati niya

