Loree Mae’s POV “Nababaliw ka na ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Rian. Sinimangutan ko lang siya saka sinagot. “Ok lang naman, best! Wag kang OA, bungee jumping lang naman ito eh! Ikaw nga diyan ang mahilig sa extreme sports pero kung makapag-react ka, parang takot na takot ka.” Sumalubong ang mga kilay nito pero halata pa rin sa mukha nito ang takot o should we say, pag-aalala sa maaaring mangyari sa akin. “Loree, hindi ka sanay sa mga ganito. Ano bang pumasok sa isip mo?” she asked. Nais ko sanang isagot sa kanya na gusto ko ng magpakamatay now that she’s totally into Eunice’s. I don’t know. Pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. It’s not that I’m jealous, and it’s not that because I feel ‘something’ for my bestfriend, too. Ang alam ko lang sa sarili ko ay

