"Oh my gosh!" - Hindi makapaniwalang wika pa ni tiffany. Napatayo na din kaming lahat at diretsong nakatingin sa taong nakaupo sa wheelchair sa harapan namin. Nakatunghay na din ang ulo ni Gio kaya kitang kita na namin ang mukha nito. Ang mga mata nito na nangungusap na tulungan sya, kapansin pansin din ang mga pasa nito sa ibat ibang bahagi ng katawan. Ang dating mala prinsepeng itsura ni Gio ay wala na ngayon. "Gi..o" - Lumapit dito si tiffany at lumunod sa harapan nito para mag pantay silang dalawa. "Gio tell us. What happened?" - Tanong ni tiffany sa kababata habang hawak ang kamay nitong puro hiwa. Lumapit na din si RA kay tiffany ng marinig nito ang mahinang pag hikbi ng dalaga. Itinayo nito si tiffany at inalalayan maka upo sa upuan nito kanina. Nakaupo na din kaming lahat at d

