Alexandra Chloe Sarvantes
"Here's your mission"sabay abot sa akin ng isang black folder at tinignan ko ang laman.
"Alfredo Santos is my next mission hmm"sagot ko dito at tinignan ito ng walang gana.
"You need to kill him in 24 hours"sabi pa nito sa akin at tinalikuran ko na agad ito.
"Be careful Alex"sigaw pa ng lalaki yun.
Paglabas ko ng building na iyon ay sumakay agad ako sa kotse ko.
Pinuntahan ko agad ang nakalagay na address na mission ko ngayon. Binasa ko kung anong name ng village na pupuntahan ko.
"Hera's Village"nice isa pa pala sa mga village ng kapatid kong panganay. Napangiti naman ako dahil mabilis lang pala matatapos ang mission ko.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako. Bago ako makapasok ay kailangan macheck ang background mo para makapasok.
Matapat ako sa security system ay binaba ko ang salamin ng kotse ko.
"Ms. Alexandra you can go now"sabi nito pagkakita sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa loob.
Narating ko din ang mansion niya at napansin kong napapaligiran siya ng mga men in black.
Kinuha ko sa kotse ang damit na ginagamit ko tuwing may mission ako. Buti na lang hindi siya lumiit sa akin dahil ilang taon din akong walang tinaggap na mission.
Sinuot ko ang black jeans at long sleeve na black then high heeled boots na black. Tinali ko pa ang buhok ko ng braid para hindi maging sagabal.
Matapos ay nag eyeliner ako para mas astigin ang dating ko napangiti naman ako dahil bumalik na ang kinakatakutan nilang Huntress.
Naghintay ako maggabi at ilang minuto na lang ay mag aalasais na hinantay ko lang ang ilang saglit at mabilis na nilagay ko ang dagger ko at g*n sa pocket.
Bumaba agad ako sa kotse ko at napansin ko na naglalakad lakad ang mga guard na nakaassign. Buti na lang sa mga puno ako nag park ng kotse.
Sumampa agad ako sa bakod kahit mataas ay nakayanan ko pa din yun. Bago ako bumaba ay chineck ko muna kung may mga tao.
Buti na lang ay wala kaya nakababa ako ng ligtas at walang nakakahuli.
Tinignan ko kung may mga cctv na nakakalat buti na lang ay wala.
Dahan dahan ang mga hakbang na ginawa ko at dumaan ako sa likod ng bahay at pumasok sa isang pintuan na bukas.
Wala talagang ingat ang mga tao dito. Madali lang talaga sila pasukin dito.
Madali ko naakyat din ang hagdan papunta sa taas. Dapat maging maingat pa din ako baka napaghandaan din ako.
Pinasok ko ang isang malaking wooden door at mukhang ito ang kwarto niya or office.
Pagpihit ko sa door nob ay nakabukas kaya napangiti ako pero ngiting alam na ang bagay na mangyayari.
-----
THIRDPERSON'S POV
Nag aabang ang mga tauhan ni Mr. Santos sa loob at ilang sandali lang ay nakita nilang may nagpihit nito.
Kaya napangiti sila lalo na ang boss nila na nakaupo lang habang nakatingin sa pintuan.
Pero ilang sandali lang ay wala pa din pumapasok na ikinataka nila. Ilang sandali lang ay namatay ang ilaw.
Nakaramdam ng malamig na bagay sa leeg niya si Mr. Santos.
"Tanda hindi ako tanga para hindi malaman na napaghandaan mo ako"bulong ni Alex dito at nagulat naman ang matanda doon.
Nanlamig ang katawan niya at hindi niya alam ang gagawin sa oras na iyon hindi niya matawag ang mga men in black niya dahil alam niya pag nagawa niya iyon ay tapos ang buhay niya.
"Please don't kill me"pagmamakaawa nito kay Alex.
Napangiti naman si Alexandra sa pagmamakaawa nito.
"Yan ang mas gusto ko nagmamakaawa para sa buhay niyang walang kwenta at hindi gumawa ng maganda na nagdulot lang ng kaperwisyuhan sa mga kabataan"sabi nito habang nakangisi pa din. Hindi na niya natiis kaya sinaksak na niya ito sa ulo.
Tumalsik pa ang konting dugo nito sa katawan niya. Mabilis na tumalon siya sa bintana.
Bumukas na din ang ilaw at nagulat ang mga tauhan ng matanda ng makita nilang may dagger na kulay silver sa ulo nito.
Nagkatinginan sila at sabay sabay binanggit ang
"The Silver Huntress"banggit nila at nagkatinginan ulit.
Napangiti naman si Alexandra ng makasakay siya sa kanyang kotse.
"I'm Alexandra Chloe Sarvantes The Silver Huntress"banggit nito sabay paandar ng kanyang kotse.
------
Nathalia Grace Gucillas
"Okay time out"sigaw ng photographer at napangiti naman ako dahil natapos na din sa wakas ang photo shoot ko.
"Congatulation Nathalia! Good work again"masayang sabi sa akin ni Ms. Persephone.
"Thank you po"magalang na sabi ko dito.
Ngumiti naman ito at nagpaalam sa akin at pinuntahan nito ang photographer na nagpicture sa akin.
Pumunta ako sa dressing room ko at sinalubong ako ng personal assistant ko.
"Kapagod"sabi ko sabay upo sa chair ko. Minasahe naman agad ang balikat ko ng P.A ko.
"Ang galing niyo po Ma'am Nathalia"sabi nito sa akin kaya napadilat naman ako.
"Thank you"sabay ngiti ko dito at napansin kong natigilan ito saglit pero ngumiti din ulit.
Ilang saglit lang ay pauwi na kami sa condo ko, pumasok ako sa kotse ko at kasunod ang P. A ko.
"Kuya sa condo po"sabi ko sa driver namin at lang sandali lang ay pinaandar na nito ang kotse ko.
Nakarating din kami at mabilis na bumaba ako. Kailangan ko ng magpahinga dahil antok na antok na ako.
Mabilis na nakarating ako sa floor ng condo ko ay binuksan ko agad ang pintuan.
"You can go now"sabi ko dito habang nakahiga ako sa couch dito sa sala ng condo ko.
"Sige po Ma'am Nathalia"rinig kong sabi nito at narinig kong nalock na nito ang pintuan.
This is my life, i'm famous model in model company of Ms. Persephone Jane Sarvantes.
I'm Nathalia Grace Gucillas 23 years old and the famous model in Philippines.
Good night!
------