Huling araw na nila sa Las Vegas at bukas ay uuwi na din sila ng Pilipinas kaya naisipan nilang mamayang gabi ay magpapakasaya na lamang ang magkakaibigan sa club, kailangan na nilang maisulit ang huling araw at huling gabi nila sa Las Vegas at pagkatapos ay sa ibang bansa naman sila maglilibot. "Saan tayo mamaya?" Tanong ni Raymond sa mga kaibigan nito. "May alam akong club na maganda ang mga babae, duon tayo mamaya." Nakangising ani ni Isaac sa mga ito. "Ayos, mukhang magugustuhan ko yata ang huling lugar na pupuntahan natin mamaya ah." Tuwang-tuwang ani naman ni Hanz na ikinatawa nila. "Napaka babaero mo talaga Hanz." Tumatawang ani ni Gabriel. "Inggit ka lang dahil hindi mo na nagagawa ang mga pambababae mo katulad nuong binata ka pa." Pang-aasar naman ni Hanz dito. Pagkatapos ni

