Isaac's POV "Sir wala po talaga dito si sir Jacob. Hindi naman po siya pumasok ngayon dito." Wika ng security guard ng kanilang building habang nagpupumilit akong makapasok dito. "Huwag mo akong haharangan kung ayaw mong bukas din ay magsara ang building na ito. Umalis ka sa harapan ko!" Bulyaw ko sa guard na agad ay umalis sa pagkakaharang sa pintuang salamin. "JACOOOOB! Lumabas ka kung ayaw mong matikman ang galit ko! Ilabas mo si Tanya hayop ka!" Sigaw ko habang pinipigilan ako ni Hanz. Hindi ako makakapayag na ilayo sa akin ng hayop na 'yan si Tanya. "Mister. Howard." Boses ng isang lalaki sa aking likuran kaya agad akong napalingon dito. "Nasaan ang kapatid mo? Ilabas mo ang kapatid mo kung hindi ay magkakagulo-gulo tayo dito!" Asik ko sa kanya habang mabilis akong lumalapit

