Tanya's POV Nagkasalubong kami nila Isaac sa mall habang namamasyal kami, kasama n'ya si Hanz na seryosong nakatitig lamang sa amin. Nilagpasan nila kami na para bang hindi nila kami kilala o nakikita. Alam ko namang malaki ang naging kasalanan namin sa kanya ni Jacob, gusto nga namin siyang makausap sana pero hindi n'ya kami binibigyan ng pagkakataon man lamang. Tinawag s'ya ni Jacob upang makausap ngunit tinanggihan n'ya ito. Nasasaktan ako sa ginagawa nyang pambabale wala ngunit wala naman akong magagawa dahil malaki naman talaga ang kasalanan namin sa kaniya. Nang tuluyan na silang lumakad palayo ay tinawag ko s'ya dahil nagbabaka sakali akong lumingon s'ya ngunit animoy wala siyang narinig hanggang sa nakita na lamang namin sila na sinasalubong ni George at nakikita ko sa kaniyang

