"Pinangangambahan na maging super typhoon ang bagyo na nasa hilagang bahagi ng Luzon, ayon sa state weather bureau na PAGASA," narinig kong sabi ng nagbabalita.
Kagigising ko lang at bumungad agad sakin ang malaming na hangin at malaks na ulan. Mukang walang pasok ngayon dahil sa lakas ng ulan.
"Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang Typhoon Mangkhut ngayong lunes bandang 4:40-5:30 ng hapon. Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribadong at pampublikong paaralan sa mga sumusunod na lugar dahil sa inaasahang pananalasa ng Bangyong Mangkhut." Patuloy na wika ng nagbabalita.
"Zoey, halika rito. Ibalot mo sa plastik itong mga damit mo at baka lumipad ang bubong natin sa lakas ng hangin at ulan na dulot ng bagyo," ani ni mama na abala sa pagsisilid sa plastik ng mga damit n'ya.
Gano'n din ang ginagawa ni ate sa mga damit at mga gamit n'ya sa school. Ganoon na lang din ang ginawa ko upang masigurado na ligtas ang mga gamit ko sa ulan.
Hapon na ngunit hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan at sa halip ay lalo pa itong lumakas.
"Zoey, tara kain na tayo," tawag sa'kin ni mama na nasa kusina na ngayon at naghahanda ng makakain. "Kailangan natin kumain ng maaga dahil walang kuryente," pagpapatuloy ni mama.
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit ng aming kinainan.
Seven o'clock pa lang ngunit kailangan ng pilitin ang sarili kong matulog. Full charge pa ang cellphone ko ngunit gusto kong magsigurado na may gagaminitin ako kung sakaling kailanganin. Sa ganitong panahon ay hindi sigurado kung kilan babalik ang daloy ng kuryente.
~β’Dreamβ’~
"Oh, ang aga mo ata natulog ngayon," nagtatakang ani Drake.
"May bagyo kasi sa reality ko kaya maaga akong natulog. Hindi ko naman kasi magagamit cellphone ko dahil walang kuryente at hindi rin ako makapag-advance reading dahil maingay ang paligid," paliwanag ko sa kaniya.
Natahimik kami ngunit nabasag din 'yon ng patunogin niya ang hawak na gitara. Hindi s'ya kumanta pinatunog lang niya 'yon. Hindi ko rin alam kung tama ba ang ginagawa niya, wala kasi akong alam pagdating sa music-music na 'yan.
"Kanina mo pa pinapatunog 'yan wala ka bang balak kumanta?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko naman alam na gusto mo marinig ang boses ko," nakangisi nitong wika at iginalaw pa ang kanyang kilay pataas at pababa.
"Ano bang kanta ang gusto mo?" Pagtatanong nito sa'kin. Napaisip ko kung ano ba ang gusto kong kanta.
"Hmm, wala akong ma-isip ikaw na lang bahala."
"Sige," nakangiti niya wika at 'saka nagsimulang tumugtog ng gitara.
Unang linya pa lang ng kanta ay ramdam ko na agad ang emosyon na nais niyang iparating.
Ito 'yung gusto ko sa lalaki magaling kumanta. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa galing n'ya. Ngunit hindi ko malaman kung bakit parang iba ang mga titig niya sa akin.
Hindi ko maitanggi na namangha ako dahil sa galing niya kumanta. Ngunit hindi ko maiwasang magbago ng reaksyon ng mas lalo pa siyang tumitih sakin.
May ipapahiwatig ako sayo
Pero nag-aalangan akong malaman mong
Ako lang ba ang nakakaramdam? O masyado lang akong nag-a-assume.
Masyado lang akong nag i-imagine ng mga bagay-bagay. Masyado lang akong naglagay ng malisya.
Ika'y aking gusto na na na gulong-gulo ang isip ko
Pati rin isip ko gulong-gulo na. Ilang araw na kakaiba kinikilos mo. Minsan pakiramdam ko may special treatment mga ginagawa mo. Minsan pakiramdam ko gano'n ka lang talaga.
Ako ngayo'y litong-lito kung pano ko sasabihin sa iyo oh ohhhhh
Litong lito na rin ako sa mga kilos mo. Bakit hindi mo nalang sabihin ng diretso? Pero paano mo nga naman sasabihin. Ako lang siguro ang nakakaramdam ng kakaiba. Masyado lang akong nag-a-assume.
Mahal kita alam mo ba?
Isang linya lang ngunit pinahinto nito ang buong sistema ko. Nag-slowmo ang paligid ng bigla niya akong tingnan at bahagyang ngumiti.
Mahal kita no'ng dati pa
ngunit di mo 'ko gusto
kaya friends lang tayo
Drake, ano ba? Ginugulo mo buong sistema ko!
Mahal kita alam mo ba?
Mahal kita no'ng dati
liligawan na....kapag ako na
Nakatitig parin siya sa'kin habang kinakanta ang mga linyang iyon. Hindi ko alam ngunit iba ang pakiramdam ko sa mga titig niya.
Patuloy pa rin siyang kumakanta at nakatitig sa'kin. Naiilang na ako dahil sa ginagawa niyang iyon. Tumingin ako sa ibang bahagi ng panaginip ko upang mabawasan ang pagkailang sa mga titig n'ya. Ngunit ang tenga ko ay nananatiling pinapakinggan ang pag-kanta niya.
Natapos siyang kumanta. Nilingon ko s'ya ngunit nag-iwas din ako bigla ng makitang nakatitig pa rin siya sa akin.
"Hindi mo ba nagustuhan ang kanta ko?" Makungkot nitong tanong sa'kin.
"Huh? Hindi ah, maganda nga boses mo e."
"Talaga?" Naka-ngiti nitong wika.
"Oo, kanta ka ulit," huli na para mapagtanto kong mali ang sinabi ko.Huli na'rin para pigilan s'ya.
Muli siyang kumanta at naro'n na naman ang mga titig niya sa'kin. Mali ngang pinakanta ko s'ya dahil sa pangalawang pagkakataon ay naiilang na naman ako dahil sa titig n'ya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagwala na naman ang buong sistema ko.
Merong bahagi ko ang nagsasabi na kakaiba ang titig niya sa'kin ngunit bigla ko itong inalis sa isip ko ng maalala na nasa panaginip lang ako.
Panaginip kung saan hindi totoo ang nangyayari. Panaginip na puro ilusyon.
"Bakit ang tahimik mo na? Kanina pa ako nag kwe-kwento pero wala akong naririnig na sagot mula sayo." Nagtatakang taning niya.
"Ahhh wala, sorry."
"Tara nga kain na tayo. Baka pati dito sa panaginip mo nagugutom ka'rin," natatawang aniya.
"Oh kain ka ng madami," ani n'ya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Bagay na hindi naman n'ya dati ginagawa.
Napailing-iling ako dahil sa naiisip ko. Baka gano'n lang siguro ang trato n'ya sa mga kilala n'ya, sa mga taong napapalapit sa kaniya.
Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi pa natatapos ay may narinig akong sumisigaw mula sa reality ko. Parang nanghihingi ng tulong. Agad kong iminulat ang aking mga mata.
Hindi ko na nagawang magpa-alam kay Drake na gigising muna ako saglit upang malaman ang nangyayari.