"Ne, magkano sa tilapia?" Tanong sa'kin ng isang matandang babae.
"120 po isang kilo."
Nasa palengke ako ngayon kasama si mama sa pagtitinda ng isda. Tuwing Sabado at Linggo gan'to ang ginagawa ko para matulungan si mama.
"Anak, linisan mo nga itong isda ni ate," utos sa'kin ni mama na agad ko namang sinunod.
Wala akong ibang ginawa maghapon kun'di ang mag linis ng isda.
Dumating ang Sabado at Linggo ganun pa rin ang ginagawa ko. Busy kasi si at para sa exam n'ya kaya ako at si mama lang ang magkasama ngayon sa pagtitinda ng isda.
"Hayst," pagod ang boses na wika ni mama.
Pauwi na kami ngayon dahil hapon na at ubos na rin ang paninda namin. Pagka-uwi namin ay kumain lang ako ng hapunan at madali ng nakatulog dahil sa pagod.
~β’Dreamβ’~
"Oh, pili ka ng kulay," Masayang wika ni Drake sa'kin.
Pinilit kasi n'ya ako na mag-dream travel ulit kami kahit ayaw ko. Hindi kasi maganda ang unang nakita ko nung mag-dream travel kami no'ng nakaraan. Hindi s'ya nagpatalo kaya ito kami ngayon pumupili ng kulay ng pinto na papasukan.
"Yellow na lang," walang ganang sagot ko.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Bumungad ang malawak at maganda na garden na puro sunflower kaya pala dilaw ang kulay ng pinto dahil puro sunflower ang laman nito.
"Ang ganda naman dito," masayang wika ko at lumingon kay Drake na masayang nakatingin sa'kin.
Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa ginawa niyang pagtitig.
Maya-maya lang ay nakita ko na siyang naglalakad papunta sa akin na may dalang sunflower. Iniabot n'ya sa aking ang dalang bulaklak. Kinuha ko ito sa kamay n'ya at ngumiti. Lumingon ako sa ibang direksyon, naiilang sa ginagawa n'ya kahit alam ko naman na walang ibang ibig-sabihin iyon.
"Tulong!" Nagulat ako ng biglang may tumakbong babae.
Napatingin ako sa pinanggalingan nito.Napasigaw din ako ng malaman ang dahil ng babae.
"Tahan na, Zoey. Panaginip lang ang pinasukan natin kaya lahat ng bagay dito ay hindi totoo," ani ni Drake para pahintuin ako sa pag-iyak.
May nakita kasi ako na isang matandang babae nakalugay ang kanyang mahaba at puting buhok at puro dugo ang kaniyang puting suot. Siya ang humahabol sa babaeng sumisigaw kanina.
Lumabas na lang kami sa panaginip na iyon. Ayaw ko na sana buksan at pasukin ang ibang panaginip dahil sa nakita ko kun'di lang ako hinigit ni Drake papunta sa loob.
Sa pagkakataong ito maganda na ang napasukan namin. May dalawang tao na nagsusumpaan ng kanilang walang hanggan na pagmamahalan. Napangiti na lamang ako habang pinapanood..
"Pusta ko bente.Yung babae ang nanaginip," Mayabang na ani ko kay Drake.
"Mali ka yung lalaki."
" Eh? Pa'no mo nasabi?"
"Magaling ako, eh," nakangising sagot n'ya sa'kin.
'Di ika na magaling'
"Bakit naman 'yung lalaki?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Yung lalaki kasi hindi 'yung babae," nakakalokong sagot niya. Napairap nalang ako at hindi na nagsalita.
"Grabe! kakagutom magala."
"Lagi ka naman gutom. Hindi na nakakapagtaka," ani ko.
Nandito na ulit kami sa panaginip ko at kumakain.
"Tara sa tabing dagat," pag-aaya nita sakin. Mukang hindi siya napagod sa pagpunta namin sa kung kani-kaninong panaginip at nag-aaya pa s'ya pumunta ng dagat.
"Nay nakikita ka bang dagat dito?" Pagtatakang tanong ko dahil wala naman akong matandan na may nilagay akong dagat sa panaginip ko.
"Ano ka ba naman? Panaginip mo 'to remember?" Nakataan ang kilay na aniya.
Hindi nalang ako sumagot at naglagay nalang ng dagat. Lunurin ko kaya s'ya? Kaso naalala ko.... hindi pala ako marunong lumangoy kaya 'wag nalang.
Pinanood ko lang sya'ng maglangoy dahil hindi naman ako marunong. Pinapanood ko lang ang haring araw na bumaba. Maya-maya lang ay umalis na s'ya sa tubig at naglakad papunta sa tabi ko.
"Hindi ka ba maglalangoy?" Taning niya sa'kin.
Umiling lang ako at tumahimik na ulit. Isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula nang makilala ko s'ya sa panaginip ko. Simula rin no'n ay hindi na ako nag-imbento ng mga eksena para lang maging masaya. Hindi ko na rin ginamit si Kyle para paasahin ang sarili ko.
Masarap pala sa pakiramdam na may taong andiyan para pasayahin ka. Dahil sa kanya ay nag-bago ang pananaw ko. Dahil sa kaniya napagtano ko na maari akong sumaya ng hindi gumagawa ng pekeng eksena.
Nakakabingi na ang katahimikan kaya nagtanong ako ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya.
"Kapag ba gising na ako nandito pa rin ikaw at ang panaginip ko?" Curious na tinanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot agad para bang may mali sa tanong ko. May nasabi ba akong mali? May nasabi ba akong hindi dapat?
Babawiin ko na sana ang tanong ko ng bigla siyang nag-salita.
"Ako andito pero... yung panaginip mo... wala," malungkot na wika nito.
"Ha? Eh, saan ka napupunta kapag nagigising ako?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kaniya.
"Nasa isang madilim na lugar. Naghihintay kung kailan ka babalik," malungkot na wika nito. ibinaling nalang niya sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.
Nalungkot ako bigla sa nalaman ko. Nagtitiis s'ya sa madilin na lugar para lang hintayin ang muling pagtulog ko. Kung ako kaya ang nasa katayuan n'ya makakaya ko kayang magtiis sa madilim na lugar na sinasabi n'ya?
"Bakit nagtitiis ka pa sa madilim na lugar kung pwede ka naman umalis?" Pagtatanong ko sa kaniya hindi kasi ako mapakali. Hindi ko ma-imagin na ganoon ang lagay niya sa tuwing didilat ang aking mga mata.
"Dahil gusto kita," mahinang sabi niya.
Dahil gusto kita? Tama ba ang narinig ko? Malabong sabihin niya sa'kin iyon.
"Ano 'yun?" Pagtatanong ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko.
"Wala, sige na malapit ka ng magising," aniya at ginulo ang buhok ko. Sumilay ang pekeng ngiti mula sa mga labi niya.
Oo, masayang malaman na may naghihintay sayo ngunit masakit ang malaman na kailangan niyang mahirapan at magtiis para sa muling pagbabalik ko.
Sa ilang minutong nalalani bago ako gumising ay muli konh sinilayan ang maamo niyang muka. Hindi ko akalin na may tao pa lang kayang magtiis makita lang akong muli. Ngunit, tao nga ba siya? O ilusyon ko lang din gaya ng dati?