Nandito ako ngayon sa labas at naglalakad papuntang cafeteria. Pinalabas kasi ako ni Mrs. Saberna dahil nakatulala lang daw ako sa klase nya. Bwesit kasing lalaki 'yan napalabas tuloy ako kakaisip sa kanya.
Sino ba naman nagsabi sa'kin na isipin s'ya diba? Pero kahit na, bigla-bigla kasi s'ya sumulpot sa panaginip ko tapos hindi pa nagpakilala. Hindi na nga nagpakilala ng gulo pa. Grrr.
Sino ba kasi s'ya---
"Hoy!" Putol ni Hannah sa pag-iisip ko andito na pala s'ya sa harap ko.
"Oh, bakit?" Walang ganang ani ko sa kan'ya.
"Hay nako, Zoey, kaya ka napapalabas ni Maam Lucy eh, hindi ka nakikinig tulala ka lang. Ano ba yang iniisip mo?" Sermon nito sa'kin. Eh, ano ba nagagawa ko? Hindi s'ya mawala sa isip ko.
"A-ahh wala 'to. Tara kain na lang tayo," pag-aaya ko syempre sasama 'to pagkain usapan eh.
"Sino muna 'yung iniisip mo?" Tanong nito at hindi nagpadala sa paghila ko.
"Masarap 'yung mga ulam ngayon. Tara na, libre ko." Pag-iiba ko ng usapan tska siya hinilang muli.
Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami sa susunod na subject.
Inalis ko na muna sa isip ko ang lalaking bigla na lang pumasok at sumira sa panaginip ko baka kasi mapalabas na naman ako. Mahirap na baka malaman 'to ni Mama malilintika ako do'n.
Lumipas ang ilang oras at ito na naman ang hinihintay ng lahat. Walang iba kun'di ang UWIAN. Sa wakas!
Nag-paalam na ang huling teacher namin para sa araw na ito. Sunod na tumunog ang bell sa aming classroom hudyat na tapos na ang klase.
"Zoey, saan ka?" Nagtatakang tanong ni Hannah.
"Malamng uuwi na, duh."
"Shunga, may practice pa," agad nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maalalang may role play kami bukas sa filipino at magka-grupo kami.
Hay nako, ito na naman kami sa gym para mag practice at mag-usap tungkol sa gagawin namin bukas.
"Zoey, tandaan mo 'yung mga linya mo ha," paalala bi Trina, leader namin.
Palabas na ako ng gate ng makita ko ang gwapong muka ni Kyle- ano ginagawa n'ya dito?
"Hmm hi, gusto ko lang sana mang-hingi ng sorry tungkol sa nangyari kahapon," nahihiyang wika nito sa'kin.
"Ano ka ba ok lang 'yun." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng ma-realize ang sinabi ko. Ang rupok! Pero wala na akong magagawa kun'di pangatawanan ang sinabi ko.
"Are you sure?"
"Oo naman, 'no."
"So friends?" nyeta naman oh friends lang?
"Sure."
"So, una na muna ako dumaan lang ako dito para humingi ng sorry."
"Sige bye."
"Bye, see you tomorrow." naka-ngiting wika nito. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa hindi ko na makita. Wait-tama ba ang pagkakarinig ko? See you tomorrow? Ibig sabihin magkikita kami bukas? Hindi ko mapigilan na mapa-ngiti at tumalon-talon.
"Sino 'yun?" Biglang sulpot ni Hannah na nagpakalma sa akin.
"Wala sige uwi na ako," ani ko at akmang tatalikod na ngunit pinigilan niya ako.
"Oy, crush mo 'yun, 'no? Siya ba ang iniisip mo kanina kaya ka napalabas ni Ma'am Lucy? Talon-talon ka pa ha." Pang-aasar nito sa'kin pero s'yempre hindi ako aamin 'no.
"Hindi. Sige, uwi na ako pahinga mo lang 'yan pagod lang 'yan, sis," aniya ko at nagtungo na pauwi ng bahay.
Pagkauwi ko ay agad akong nag-bihis at gumawa ng mga assignments at nag-memorize ng mga linya ko para sa role play bukas.
"Zoey," tawag sa'kin ni Mama kaya lumabas ako nh kwarto.
"Bakit ma?" Tanong ko dito ng makalapit ako.
"Pumunta ka nga sa tindahan ni Aling Rita at mangutang ka muna ng bigas sabihin mo bukas na lang babayaran," ani ni mama habang naghihiwa ng sibuyas. Lumabas na ako para magtungo sa tindahan.
"Tao po, Aling Rita."
"Oh ano yun, iha."
"Kukuha raw po muna ng bigas, bukas nalang daw po bayaran."
"Oh ito oh, sabihin mo kay mama mo may utang pa s'ya dito ha."
"Sige po," huling sabi ko at naglakad na pauwi.
Hindi pa ako nakakalayo sa tindahan ay nakita ko ulit ang nakita ko kahapon. Hindi pa rin ako ganoon ka siguro kaya ipinagwalang bahala ko na lang. Mukang hindi naman niya kayang gawin iyon at ayaw ko ring makigulo kaya mas mabuting tumahimik sa mga bagay na hindi naman sigurado.
Muli na akong na akong naglakad ngunit pasulyap-sulyap pa rin sa kinaroroonan ng pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan dahilan upang mabangga ko aking kasalubong.
"Ay, sorry," paghingi ko agad ng tawad sa lalaking nasa harap ko ngayon.
"Miss, pasensya na pero bulok na 'yang style na 'yan," naka-ngising wika niya.
"Huh?" Tanging salitang lumabas sa aking bibig.
"Alam ko na 'yan. 'Yung kunwari hindi mo alam na may kasalubong ka para magkabanggaan kayo. Tapos mag so-sorry ka. Hihingin mo pangalan ko tapos ano sunod? Aamin ka na crush mo ako? Bulok na 'yan," napapailing-iling na wika nito.
"Hanggang number ano ba 'yang electric na dala mo?" Tanging na sagot ko sa kaniya.
"Wala naman akong dalangel electric fan ah," natatawang wika nito.
"Ay wala ba? Pasensya akala ko meron masyado kasing malakas hangin diyan sa utak mo," inis na wika ko tsaka naglakad. Sinadya ko pa siyang bunguin. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa ngunit mas pinili kong pakalmahin ang sarili ko.
~•Dream•~
Naglibot muna ako sa buong panaginip ko bago ako nag-tungo sa garden. Sinigurado ko muna kasi na wala na ang lalaking umeksena sa panaginip ko. Nang masigurado ko na wala na siya ay nagtungo na ako dito.
"Hmm sarap," nagulat ako dahil sa biglang nag-salita sa likod ko.
"In fairness ang sarap ng pagkain sa panaginip mo ha," aniya n'ya pero hindi ko s'ya pinansin. Grrr. Akala ko ba wala na siya dito.
"Ang ganda ng panaginip mo," namamanghang aniya 'saka umupo sa tabi ko.
"Bat hindi mo ba ako pinapansin?"
Illang minuto lang ay nanahimik na s'ya napagod ata kakasalita.
"Ah oo nga pala," muling pagsasalita n'ya pero hindi ko s'ya nilingon.
"I'm Mark Drake Ramirez, you can call me babe if nahahabaan ka," napalingon ako sa huling sinabi nya.
"Anong sabi mo?" Inis na wika ko dito.
"Wala buti naman pinansin mo na ako," tumatawang aniya.
Bumalik na ulit kami sa katahimikan dahil hindi ko na ulit s'ya pinansin.
Nakakainis bat kasi s'ya napadpad dito nasira tuloy ang panaginip ko.
"Huy, nagpakilala na nga ako hindi mo pa rin ako pinapansin," malungkot na sabi nito kaya nag-salita na ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Wala nagagala lang ganda kasi ng panaginip mo eh," nakangiting sabi nito sa'kin.
"Hindi mo ba alam na nasisira mo panaginip ko? Hindi mo ba alam na sinisira mo lang kaligayahan ko--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lungkot ng muka n'ya.
Shit nasaktan ko ata s'ya. Masyado atang harsh ang mga sinabi ko.
Tumayo na s'ya mula sa pagkakaupo sa tabi ko at dahan-dahan naglakad pa alis.
Shit, ba't ako nakokonsensya ng gan'to? Sinabi ko lang naman ang totoo ah. Why this table turn around? Kanina lang ay ako ang may sama ng loob sa kaniya dahil ginulo niya ang panaginip ko, ngayon naman ay siya na ang may sama ng loob dahil sa mga sinabi ko.
Sinundan ko na sa s'ya ng may marinig akong alarm hudyat na kailangan ko ng gumising. Pinanood ko nalang siyang umalis at ng mawala siya sa panaginip ko ay umalis na rin ako.
Sa mga oras na 'to ay hinihiling kong sa pagbalik ko ay andito pa rin siya.