HALOS dalawang buwan na nang magsimula si Chelin sa trabaho. At parati ring nasa kumpanya si Brian. Kung hindi tungkol sa business ay personal ang paglalagi nito roon. Napapansin na rin ng ibang empleyado na siya ang sinasadya nito roon. At sigurado na siyang hindi si Xycie ang sadya ng lalaki. “Sigurado ka bang hindi mo boyfriend iyang si Mr. Mendoza?” pag-uusisa ng isa niyang katrabaho na may edad na. “Hindi ho,” tanggi niya. “‘Ku! Naki-tsismis pa si Madam,” sabad ni Aristide. Nasa powder room sila ngayon at kasalukuyan siyang nagre-retouch. Si Ari nama’y katatapos lang mag-toothbrush. “Nagtataka lang naman ako kasi para kayong may relasyon. Baka engaged na kayo, ah?” usisa pa nito. Napakurap-kurap siya. Well, they were once engaged... “Madam, ah, gawa-gawa ka ng kwento,” si Ari u

