“BRIAN, bakit parang close nga pala kayo ni Ms. Pasqual?” Hindi napigilang tanong ni Chelin kay Brian habang tinutulungan siya nitong mag-ayos ng kaniyang mga gamit. Abala naman si Xycie sa paghahanda ng hapunan. Kaya sila ginabi ay dahil dumaan pa sila sa mall para mamili ng ilang mga kakailanganin niya pang gamit. Brian stopped fixing her picture frames on the wall and faced her. “We aren’t.” “Pero kasi, naalala ko, nakalingkis ang kamay niya sa braso mo,” nakanguso niyang dahilan. “That was the first time we met.” “I don’t believe you,” it was half truth. “I don’t like her, don’t think too much about her,” pilit na pagtataboy nito sa usapan. “Pero ayon sa sabi-sabi, matagal nang hindi nagpupunta ng meetings iyon. Baka nagde-date kayo kaya lagi ng nasa office?” patay-malisyang

