1

2503 Words
Patricia "Saan mo pala balak mag-enroll?" nakangiting tanong ni Ms. Gema habang inaayos ang pagkaka-compile ng mga papel sa lamesa niya. "Ang plano ko po sa Eclaire." Tumungo ako saka ko nilaro ang strap ng bag na nakapatong sa kandungan ko. "That's a great school. I'm sure you'll get there. Pero nakapag-apply ka na ba? Ang alam ko, hanggang bukas na lang ang application sa kanila." "Opo. Maaga pa lang, inasikaso ko na ang application ko. Ang sabi, mag-se-send raw po ng email sa applicants para sa date ng entrance exam." Sinigurado niyang pantay na ang pagkaka-compile ng mga papel na hawak bago niya ito inilapag sa lamesa't humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka ako nginitian. "I wish you all the best. Sigurado akong makakapasok ka sa Eclaire." Hindi mawala ang saya sa dibdib ko kahit pa nakalabas na ako sa English department. Lahat kasi ng mga guro dito ay kilala ko. Sila kasi parati ang nagsasabi sa akin sa tuwing may contest na gusto nilang salihan ko. At masaya naman ako dahil naipapanalo ko ang mga ito. Dumaan rin ako sa iba pang department para kumustahin ang iba ko pang mga teacher. Isang Linggo na lang kasi at graduation na. Gusto kong makasama ang mga teacher ko as much as possible bago pa ako umalis sa school na ito. Nang mag-5PM na, hinugot ko ang cell phone sa bag ko habang naglalakad sa corridor. Kaonti na lang ang estudyante dahil ang karamihan ay nagsiuwian na. Kinakabahan man, itinipa ko pa rin ang message na kanina ko pa gustong sabihin sa tinatawag kong Kuya. "Kuya, can we meet at the rooftop now?" Nang mai-send ko na ito, dali-dali kong itinago ang cell phone sa bag ko. Naramdaman ko na nag-vibrate kaagad ito bago ko pa man maisara ang shoulder bag ko pero hindi ko muna tinignan dahil kinakabahan ako sa reply niya. Tumakbo ako't nang makaakyat ay pabagsak kong naisara ang pintuan ng rooftop dala ng matinding kaba. Kahit ako nagulat kaya tinignan ko ang paligid kung may iba bang tao na nakarinig. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang tao maliban sa akin. "Tangina." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makarinig ako ng boses. Napatigil rin ako sa paglalakad at mabilis na nilingon ang likuran ko pero wala namang tao. Nilunok ko ang sariling laway saka ko napagpasyahang lapitan ang hagdan para tignan ang bubong ng entrance ng rooftop. Dahan-dahan akong sumilip at napatigil ako't nanglaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyong nagmura. Kaya pala hindi ko ito nakita kasi nakahiga ito. Nakasimangot ito bago umupo at kinusot ang mga mata. Natauhan ako kaya dali-dali akong bumaba at isinandal ang likod ko sa pader. Para akong tumakbo dahil sa sobrang bilis ng paghinga ko. Alam ko na wala akong ginawang masama pero iyong fact na ang pabagsak na pagsara ko ng pintuan ang dahilan ng pagkagising niya ay isang malaking pagkakamali. Everybody know who he is, not because he's a good student. Sobrang sama ng reputasyon niya sa buong campus at walang nagbabalak na lumapit o makipagkaibigan sa kaniya. As far as I know, isa lang ang kaibigan niya, which is iyong tinatawag kong Kuya. I never bothered asking about him kay Kuya. As much as possible kasi, gusto ko na wala akong kaugnayan rito dahil sa matinding takot na baka masira ang buhay ko kapag lumapit ako rito. Gusto nga ako ipakilala ni Kuya rito pero hindi ako pumayag at naintindihan niya naman dahil normal lang na matakot ako sa kaibigan niya. Dahan-dahan akong naglakad ng patago pero nabato sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagtama ng sapatos sa bakal na hagdan na inakyat ko kanina. Dahan-dahan akong lumingon patalikod, only to see na bumababa na ang lalakeng kinatatakutan ko. Napatungo ako nang makababa na siya ng tuluyan. Ramdam ko ang titig na ibinabaon niya sa akin kaya napapikit ako ng mariin. "S-Sorry kung nagising ka." Hindi siya sumagot pero narinig ko ang pagtama ng heel ng sapatos niya sa sahig kaya mas natakot ako. Ang buong akala ko, lalapit siya pero mali ako dahil narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nag-angat ako ng tingin at nakahinga ako ng maluwag dahil kaharap niya na si Kuya Gavin. "Sabi na, nandito ka na naman." nakangiting sinabi nito sa kaibigan bago ibinaling ang tingin sa akin. "Hi, Pat-Pat!" Sinuklian ko ang ngiti niya at tumango ng isang beses. "Na-receive ko iyong message mo." Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang kaibigan saka ito iginilid. Sumunod naman ang tingin nito sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin "May sasabihin ka ba?" "May itatanong sana ako, Kuya." "Halika. Upo muna tayo." Sumunod ako sa kaniya at tumabi sa inupuan niyang bench sa tabi ng railing. Tinignan niya ang direksyon ng pinto kung nasaan ang kaibigan niya pero napailing na lang dahil wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. "So anong gusto mo sabihin?" Lumunok muna ako saka ko inilagay sa kandungan ko ang bag ko. "Gus... Gusto ko lang sana malaman kung saan ka mag-co-college." "Hindi ka pa ba nakakapagpasa ng application?" Ayoko man magsinungaling, tumango ako. Ayoko kasing isipin niya na alam ko kung saan siya mag-co-college. Baka mapagkamalan pa akong stalker. Isa pa, iyon naman talaga ang target school ko dati pa. Kaya kahit hindi siya pumasok ruon, kahit malungkot, duon pa rin ako papasok. "Wala pa kasi akong maisip." "Pero gusto mo mag-aral sa Eclaire ng fashion, hindi ba? Bakit hindi ka magpasa ng application sa kanila? Malapit na ang deadline ng application." "Duon ka ba nag-apply?" "Yep." he answered, popping the P. "C'mon. Duon ka na mag-apply para makasama pa rin kita." Naramdaman ko ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko kaya mas idinikit ko ang bag ko rito sa pag-aasam na mapatigil ito. "S-Sige. Gusto ko rin kasi na makasama ka – I mean, kaibigan kasi kita kaya gusto kong sabay tayo grumaduate sa iisang school." Napakamot ako sa batok dala ng matinding hiya dahil sa sinabi ko. Nadulas pa ako pero sana hindi siya nakahalata at balewalain na lang ang sinabi ko. "Let's do our best, Pat." Lumabas ako sa school na may ngiti sa mga labi at pakiramdam ko, para akong lumulutang sa ulap habang naglalakad pauwi. Hindi ko lang maiwasan maging masaya dahil sinabi niyang gusto niya ako makasama. Simula nang tumuntong ako ng senior high, nasa kaniya na ang atensyon ko. Noong unang araw kasi na ipakilala ang bagong set ng student council ko siya nakilala. You could say na crush at first sight ito. I've been admiring him since then and then one morning, I woke up and realize na hindi na ito simpleng paghanga. I'm in love. Siya ang first love ko. Hindi ako naghahangad na umabot kami ng higit pa sa pagiging magkaibigan dahil kahit maraming nagsasabi na maganda ako, sa tingin ko, hindi ako bagay sa kaniya. Totoo na magiging masaya ako kung magustuhan niya rin ako pero ni minsan kasi hindi ko siya nakitang nagbigay ng motibo na may gusto siya sa akin, o kahit iyong tingin na iniindicate na interesado siya sa akin. Kaya nga kahit malungkot, ayos lang na hindi niya ako magustuhan. Masaya na ako na kaibigan niya ako. Naging mabilis ang takbo ng oras at heto ako ngayon, tumatalon sa kama dahil nakapasa ako sa entrance exam. Tuwang-tuwa rin sina Mama, Papa, Kuya Billy at Kuya Kendrick habang nakatingin sa laptop ko. Hindi kasi talaga biro makapasok sa Eclaire. Sobrang laki nito at hindi sila basta-basta tumatanggap ng estudyante. Alam ko na marami ako magiging kompetisyon sa papasukan kong paaralan dahil ganuon naman ang nature ng mga estudyanteng matatalino pero hindi ako makikipagkompitensiya sa kanila. Ang gusto ko lang, makapag-apply ng scholarship para kahit papaano ay mabawasan ang babayaran nina Mama. Ayoko naman na dahil lang sa pag-aaral ko sa napakagarang university na ito ay maghirap kami. Kaagad kong ibinalita kay Kuya Kevin at sa mga teacher ko ang pagkapasa ko. Tuwang-tuwa sila at puno ng pagbati. Nang gabi rin na iyon, sinabi ni Papa na kailangan naming lumipat ng matitirahan dahil una, malayo ang Eclaire sa bahay namin at pangalawa, dahil sa trabaho ni Papa. A month before school starts, lumipat na kami. It was kind of upsetting kasi may mga naiwan akong kaibigan sa dati naming tirahan pero kailangan naming gawin ito. Lumipat kami sa isang two-story house at sobrang liit ng upa despite the size. Siguro dahil na rin magkakamukha ang bahay rito. Weird pero sobrang close to being identical ng mga bahay sa lugar na ito. Ang ipinagkaiba lang siguro ay iyong mga pananim pero other than that, wala nang ipinagkaiba ang itsura ng mga ito. "Sa akin ito!" sigaw ko saka pumunta sa itinuro kong kwarto kina Kuya. Dali-dali akong pumasok sa kwarto at umikot na parang ballerina. Nakakatuwa lang kasi sobrang spacious ng kwarto. Mas malaki ito ng kaonti sa dati kong kwarto at ang nagustuhan ko, may bintana. Wala pang kagamit-gamit rito dahil hindi pa naiaakyat ang mga gamit ko pero mamaya ko na lang siguro iaakyat ang mga iyon. Puwede ko rin sigurong pinturahan ang buong kwarto ko ng kulay white dahil gusto kong isulat rito ang mga favorite line ko sa mga paborito kong libro. Lumapit ako sa bintana at ipinatong ang kamay ko sa frame nito. Glass window ito na nai-s-slide at kaharap ng bintana ko ay ang bintana ng katabing bahay. Nakasara ito. Napaisip tuloy ako kung bakit ganito ang design ng mga bahay rito. Hindi ba naisip ng nag-design nito na dahil lang sa puwesto ng bintana ay mawalan na ng privacy ang mga naninirahan rito? Pero wala na akong magagawa kung hindi ang mag-ingat. Sa pagitan ng bahay ay may isang puno kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Gusto ko kasi ang na-i-imagine kong itsura nito kapag umulan. Ang sarap siguro magkape habang nakaupo sa tapat ng bintana at pinanunuod ang pagkabasa ng mga dahon ng puno gawa ng ulan. Sighing, I went out of my room then went down to gather my things. "Nagustuhan mo ba iyong kwarto mo?" tanong ni Mama sa akin habang pinapalamanan ang hawak na tinapay. "Sa akin nga dapat iyon, eh." reklamo ni Kuya Kendrick. "Bakit po share na naman kami nito ni Billy ng kwarto?" Nakasimangot siyang kumuha ng hotdog gamit ang tinidor saka ito kinagatan. "Para namang gusto kita kasama sa kwarto. Lakas-lakas mo humilik." Napabuntong-hininga si Kuya Billy at sumimsim sa hawak na mug. Nag-make face lang si Kuya Kendrick at kapag ganiyan ay alam naming wala na itong maisagot dahil tama ang sinabi ng kapatid namin. "May trabaho na kayo. Bakit hindi kayo umupa ng sarili niyo para magkaroon kayo ng sari-sariling kwarto?" nakangising sinabi ni Papa habang nakatutok ang mga mata sa diyaryo. "Alam niyo nang tatlo lang ang kwarto rito, nagrereklamo pa kayo." "Pa, Ma, bakit hindi natin ituloy iyong business rito?" Napatingin silang lahat sa akin dahil sa suhestiyon ko. "Naisip ko lang kasi na puwede natin gamitin iyong garahe pati iyong bakuran para makapagtayo ng business. Puwede natin ituloy iyong eatery ni Mama. Dagdag kita rin iyon. Puwede tayo mag-setup ng mga table sa bakuran tapos gamitin natin iyong garahe as a kitchen para sa mga order. Wala po kasi akong nakita na ni isang tindahan na malapit rito, even sari-sari store." "Kailangan pa natin itanong kung puwede. Hindi ko kasi nakita iyong buong agreement dahil papa mo ang nag-asikaso." Tumango ako sa sinabi Mama saka ko siya nginitian. "Pero nagtataka ako, Pa." Tinaasan ng kilay ni Papa si Kuya Billy nang magsalita ito. "Bakit pala may garahe iyong inupahan natin?" Nagkatinginan sina Mama at Papa bago ibinalik ang tingin kay Kuya. "Maganda na ang posisyon ko sa trabaho at malaki na rin ang sinasahod ko kaya naisip kong bumili ng kotse. May naipon na rin naman kami ng Mama niyo galing sa mga ibinibigay niyo sa amin at sapat na iyon para makabili ng kotse. Sa ngayon, hindi pa naman natin kailangan dahil malapit na tayo sa mga pupuntahan natin sa araw-araw at isa pa, gusto ko ituloy niyo iyong business na sinabi ni Patricia. Sa ngayon, mag-iipon muna ulit tayo." Tanging tango na lang ang isinagot namin at kahit hindi namin sabihin, alam ko na pati sila ay masaya dahil makakabili na kami ng kotse pero maigi na rin iyong sinabi ni Papa. Hindi pa naman kailangan ang kotse at mas maganda na mag-ipon muna kami. Baka gumawa rin ako ng paraan para kumita school. Dumagdag kasi ang expenses namin dahil sa paglipat namin ng bahay tapos tumuntong pa ako ng college. Hindi lang kasi basta-basta ang papasukan ko. Napaka-prestilyoso nito. I'm sure na pati iyong mga babayaran rito like books and such ay mahal rin. Dahil marami pang tira sa iniluto ni Mama na kaldereta, naisipan niyang magbigay kami sa mga bago naming mga kapitbahay. Pumayag naman ako nang sabihin nito na dalahan ko ang katabing bahay dahil gusto ko maging kaibigan ang nagmamay-ari ng kwarto na harap ng sa akin. Ang cute lang siguro kung kaibigan ko ito at nakakapag-usap kami sa bintana ng mga kwarto namin. Medyo may kaba sa dibdib ko habang hinihintay ko matapos si Mama sa pagsasalin ng menudo sa container. Nang maibigay niya sa akin ito, mas dumoble ang kaba ko. Bitbit ang container, lumabas ako ng bahay at pumunta sa katabing bahay. Alam ko na sinabi kong cute kung maging kaibigan ko ang nagmamay-ari ng kaharap ng kwarto ko pero hindi ko lang maiwasang kabahan dahil baka masungit ang kapitbahay namin. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan nito matapos ako pumasok sa bakuran, nag-doorbell ako pero walang tumugon. Nag-doorbell ulit ako pero wala pa rin kaya sinamahan ko na ng katok at pagsasabi ng tao po. Mukhang walang tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Wala rin kasi ako nakitang ilaw sa mga bintana sa gilid ng bahay kaya napagpasyahan kong bumalik na sa amin. Nag-doorbell pa ako ng isang beses at tumingin sa peephole sa pinto. Dahil nga wala pa rin sumasagot, tumalikod na ako pero bago pa ako makapaglakad pabalik sa bahay, narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko. Pagkapihit ko patalikod, napaatras ako dala ng takot sa bumungad sa akin. Isang malaking mascot head ang suot ng lalake sa harap ko. Ang creepy ng ganitong bungad tapos dumagdag pa ang itsura nito sa level ng creepiness nito dahil ito iyong mascot head ni Robbie The Rabbit sa Silent Hill. "A-Ano..." Napaatras ako bigla nang iniangat niya ang kamay niya't itinuro ang bitbit ko. Tinignan ko ang dala ko saka ko ibinalik ang tingin sa kaniya. "B-Bagong lipat kasi kami." Itinaas ko ang isang kamay ko saka ko itinuro iyong bahay namin. "Ipinabibigay ni Mama." Kinuha niya ang container sa kamay ko nang inilahad ko ito kaya minabuti kong umalis na. "S-Sige. Kailangan ko nang umuwi." Ang rude man, hindi ko na siya hinintay na sumagot at patakbo akong bumalik sa bahay. Napasandal ako sa pintuan pagkasara ko nito kaya gumawa ito ng ingay. Napatingin sa akin si Kuya Kendrick na kabababa lang sa hagdan. "Anong nangyari sa iyo?" "W-Wala." Tumayo ako ng tuwid at dali-daling umakyat sa kwarto. At pakiramdam ko, naubusan ako ng dugo sa mukha nang makita kong nakatayo sa bintana iyong nakausap ko kanina. Binigyan ko ito ng isang tango saka ko isinara iyong blinders. May killer ba kaming kapitbahay? Nagsisi tuloy ako na ito ang kinuha kong kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD