3

1579 Words
THISA’s POV This is it, pancit! Araw ng PE subject namin. Hindi na kami umuwi ni Mel at dito na kami sa school kumain at nagbihis ng PE uniform. Pwede kasing ma-late kami kung uuwi pa dahil ilang minutes ang mauubos sap ag-travel depende pa sa madadaanang traffic. Bago kami nagpalit ng uniform ay hinintay muna namin na makapasok ang fourth year students. Umaasaa ko na makikita ko si Hanz. Kaya lang ay nakalagpas ito sa akin na hindi ko napansin. Bigla kasing may itinanong itong si Mel. Kulang na lang ay sabunutan ko siya. Kaya lang hindi pwede, baka bigla akong makita ni Hanz na nananakit ay ma-turn off siya sa akin. Dapat pa-good girl ako. Pero hindi ko pa rin pinalampas si Mel. “Next time ha, kapag hinihintay natin sila quiet ka lang. Tulungan mo akong maghanap sa kanya. Dahil hindi ko siya nakita, sundan mo kaya para malaman natin kung saan ang classroom nila. Papakopyahin kita sa lahat ng subjects natin.” Pang-uuto ko pa dito. Pinasali ko nga rin sa cheering para kung hindi ako mapili at siya ay makalusot. Sa huli aayaw siya at ako ang papalit. Iyon lang naman ang aming back-up plan kapag hindi ako nakapasa. Pero confident naman akong papasa ako mamaya. “Sinabi mo ‘yan ha? Baka mamaya, babawiin mo. Mangako ka muna, bago ako sumunod,” duda pa ito sa akin. “Sige ito na po, promise!” itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay. “Sabi na nga ba nagsisinnungalin ka e. Bakit kaliwa?” nahalata pala niya. Ang galing na rin nito natututo na. “O ayan! Kanan na ito. Promise, papakopyahin kita mamatay pa si Hanz ay mamatay man yung mang-aagaw sa akin kay Hanz!” itinaas ko na ang aking kanang kamay at mabilis na siyang tumakbo para maabutan sina Hanz. Bumalik ito at hingal na hingal. Malapit na kasi ang start ng aming subject kaya nagmadali siya. “Ano nasundan mo ba?” excited kong tanong dito. Inabutan ko naman siya ng tubig para makapagsalita na. Naiinip ako. Gusto ko ng malaman kung saan ang classroom nila Hanz. “Opo, ma’am! Grabe ka sa akin kapag hindi mo tinupad ang sinabi mo kanina. Muntikan pa akong makita ni Ma’am Principal kung hindi baka bukas na bukas din ay mapatawag ang parents ko. Kung hindi lang kita kaibigan at kung hindi dahil sa papakopyahin moa ko hindi talaga ako susunod sa iyo. Grabe kang magkagusto! Sa susunod imbestigador na kaya kunin mo para lahat ng information malaman mo. Hay naku, Thisa, matitiris talaga kita kung nagkataon na inabutan ako ni Ma’am Principal.” Ang haba ng sermon nito. “Ang dami mong sinabi at paulit-ulit pa pero wala sa sinabi mo ang iniutos ko sa iyo. Saan nga ang room ni Hanz my love?” ulit ko sa kanya. “Doon sa second floor sa may tabi ng office ng guidance counselor. Galing si Ma’am Principal doon kaya muntik na akong mahuli. Kung gusto mong makasilay, gumawa ka ng kaso para ma-guidance ka,” pang-aasar nitong si Mel. “Sira ka talaga! E di papangit ang image ko kay Hanz kapag ganoon ang nangyari. Ganito na lang, akin na ang wallet mot apos dadalhin ko sa guidance office para sabihin ko na may napulot akong wallet at may laman na pera. Ano sa tingin mo? Di ba mas okay? Lalabas pa na honest student ako.” Napangiwi ito sa sinabi ko. Paano kung kapag kinuha ko doon at tanungin ako kung anong grade at section ko, baka hindi ka masabihan ng honest student. Baka mapagkamalan ka pang magnanakaw at nakonsensya ka lang kaya mo isinauli. Baka sa gagawin mo matuluyan ka talagang ma-guidance.” May point siya. Nakakahiya nga kapag nagkataon. “Kayong dalawa sa likod, anong pinag-uusapan ninyo? Baka gusto ninyong i-share sa buong klase?” napansin na naman kami ng teacher namin. Nadamay na pa si Mel. “Wala po ma’am. Pinag-uusapan lang po namin yung tungkol po sa pag-auditon sa cheering.” Palusot ko kay Ma’am Tacsuan. “Mamaya pa iyon, makinig muna kayo sa discussion. Mamaya may pa-quiz ako baka zero kayo!” ani Ma’am Tacsuan. Ang sungit naman nitong teacher namin na ito. Hindi man lang ngumingiti. Kaya siguro walang manliligaw dahil laging seryoso. Parang kahit may magpatawa ay hindi na maigagalaw ang mukha. “Makinig ka na, papakopyahin mo pa ako. Pangako mo iyan.” Bulong naman nitong katabi ko. Ang tagal ng discussion ni Ma’am Tacsuan. Break time nang fourth year kami discussion pa rin. Four hours ang klase namin dahil once a week lang ang PE. “Get one sheet of paper!” sigaw ng teacher namin. “After the quiz ay saka pa lang kayo mag-break and after break time ay simula na ng audition para sa cheering.” Dagdag pa nito. “Makinig ka Thisa, yung sagot natin. Itagilid mo pagsulat mo para makita ko.” Bulong naman nitong katabi ko. Hindi ako pwedeng umayaw dahil sumunod siya sa iniutos ko kanina. Kailangan kong maging mabait sa kanya para susunod pa rin siya sa akin. Malakas yata ang pagsasalita ni Mel kaya lumingon ang kaklase naming nasa harapan. Naalala ko ito nga yung babaeng nakita kong naglalakad sa village. Tama siya nga! Hindi ko naman siya makausap at magsisimula na ang quiz. Dahil nasa quadrangle kami, kitang kita namin ang mga student na naglalakad. “Shocks! Si Hanz!” sigaw ng isipan ko. Muntikan ko nan gang maibulalas dahil sa gulat. Napadaan lang sa tabi ko ang masungit naming teacher. “Cover your paper! Bawal mangopya at magpakopya!” malakas nitong wika kaya nagkatinginan kami ni Mel. Panay ang senyas sa akin ni Mel, hindi ko siya pwedeng tiisin kaya naman inaalis ko ang cover kapag hindi nakatingin si Ma’am. “Good afternoon po, Ma’am Tacsuan!” napa-angat ang tingin ko sa nagsalita. Pamilyar ang boses na iyon. “Tapos na ang break ninyo, bakit pakalat-kalat pa kayo?” tanong dito ng masungit naming teacher. Bakit sila hindi takot kay Ma’am? Parang kaibigan pa nila ito. Hindi tumatawa si Ma’am pero hindi sila takot. Ang nakaka-inis lang ay kasama ni Hanz ang babaeng asungot. Biglang kumulo ang dugo ko lalo na’t narinig ko ang sagot ni Hanz. “May try out po kami ng basketball at si Belle naman po ay mag-audition bilang cheerer sa senior.” Malambing ang boses ni Hanz habang nakikipag-usap kay Ma’am. Okay na yung usapan nila ni Ma’am Tacsuan ang hindi okay ay yung babaeng nakakapit dito. Mag-audition pala siya! Mas dapat ko palang galingan. Kung siya rin lang ang makakalaban ko. Ngayon, mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para mapili ako sa cheering squad ng grade level namin. Nag-paalam na ang dalawa habang habol ko ng tanaw si Hanz. Imbis na kiligin ako mas lamang pa ang inis ko. Sana sinaway ni Ma’am Tacsuan na bawal humawak kay Hanz. Pero parang boto pa siya sa babaeng iyon. Nakakagigil talaga! “LQ tayo ngayon Hanz. Humanda ka sa akin.” Sambit ko sa aking isipan. Mamaya isusulat ko sa aking diary. Matapos ang aming quiz ay nag-break na kami. Nanlalambot na ako kaya kailangan kong kumain para may lakas ako mamaya. Kailangan kong makapag-perform ako ng maayos. Kailangan kong makapasa sa audition. Nagsimula na ang audition. Nagpaalam naman ako kay Mamita tungkol dito. Pinayagan naman niya ako lalo na nung sinabi ko na dagdag grades ito. Ginalingan ko talaga ang pag-kembot. Wala akong paki-alam kung may mga nanonood pa. Inabutan na kami ng uwian ng fourth year bago pa ako masalang. Hindi ko naman nakita sina Hanz kung natapos na sila pero malamang tapos na sila dahil kanina pa sila nagpunta roon. May ilang araw pa para malaman kung sino ang nakapasa. May video rin kaya naman mapapanood pang muli ng mga judges ng grade seven. Sana talaga ay makapasa ako. Ibinigay ko na ang best ko. “Ang galing mong sumayaw, Thisa. Ikaw ang pinaka-magaling. Bigay na bigay ka. Para kang si Marimar sa paggiling.” Tuwang-tuwang wika nitong kaibigan ko. “Sana nga matanggap ako. Hindi lang ngayon para mapansin ako ni Hanz. Gusto ko rin makalaban yung asungot na panay ang hawak sa Hanz ko.” Kay Mel ko lang naman sinasabi ang mga nararamdaman ko. Siya lang ang nakakaalam tungkol sa crush ko. Ang iba alam na may crush ako sa fourth year pero hindi nila alam kung sino. Pag-uwi ko ng bahay ay ang diary ko para kay Hanz ang kinuha ko. “Hanz, Nagtatampo ako sa iyo ngayon. Bakit mo ba hinahayaan na hawakan ka ng babaeng iyon? Naiinisa ko kapag nakikita ko na magkasama kayong dalawa. Sino ba mas importante sa iyo? Siya o Ako? Ayaw ko na nagagalit ako sa iyo pero sana naman, huwag mong palalapitin ang asungot na iyon. Hindi muna ako magsasabi ng I love you kasi nagtatampo pa ako sa iyo. Thisa.” Inis kong itinago ang aking diary. Pati ang ballpen at ibinagsak ko na lang basta sa inis ko. “Thisa, kakain na! Nandito na ang Daddy mo at hinahanap ka!” Si Mamita tinatawag na ako for dinner. Nakabihis na rin naman ako. Mamaya na ako mag-shower. Baka magtampo si Daddy kapag pinaghintay siya. “Lalabas na po, Mamita! Sunod na po ako,” sigaw ko naman para siguradong marinig ako. Kailangan masaya ako dahil haharap ako sa family ko. Hindi nila kailangan makita na malungkot ako. Kasalanan talaga ito nung babaeng asungot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD