HANZ’s POV Magkikita kami ni Thisa ngayong araw. Kasama ko si Roel na pupunta sa bahay nila at may special request pa ito. Hindi ko kilala ang sinasabi niyang kaibigan ni Thisa dahil nawala na ako sa school namin noon after ng intramurals. Kung sinoman iyon, bahala siya. Ako si Thisa ang sadya ko. Panahon na para tuparin ko ang aking pangako sa kanya. Nagtatrabaho pa rin ako kay Daddy. Hindi ko pa masasabi na akin na ang negosyo. Ang usapan pa rin ay employee pa rin niya ako pati na rin si Roel. Nagrereklamo ang kaibigan ko dahil Kuya raw ang tawag sa kanya ni Thisa tapos sa akin Hanz lang. Gusto ko rin sanang batukan e, bakit naman kuya ang itatawag sa akin? May unawaan kami at hindi naman kuya ang tingin sa akin ng aking mahal. Nakailang practice na ako ng sasabihin sa kanya. Noon k

