HANZ’s POV Hindi na ako halos nakatulog at ngayon ay wala akong gana na pumasok sa trabaho. Sa hapon pa naman ang dating ng aking mag-ina dito sa bansa at gusto ko nang hilahin ang oras para masilayan ko na sila. Tulad ng pakiusap ni Mr. Martin na kung maaari ay huwag ko munang lapitan si Thisa ay pumayag ako. Kapalit na pwede ko silang makita pagsundo sa airport. Hindi naman kilala ni Thisa ang sasakyan ko dahil iba na ito sa dati. Mag-convoy kami ni Mr. Martin. Kasama rin sa inaasahan ni Thisa na susundo sa kanila si Hedy, sa sasakyan ko na ito sasakay. Kasama rin namin si Roel para ito ang mag-drive. Sa likod lang ako mauupo para hindi halata. Ito ang suhestyon ni Roel ng magkakausap kami kagabi. Okay na sa akin ang makita sila kahit sa malayuan. Ang sabi naman ni Mr. Martin ay kah

