“Ahhh! Shocks! Ang gwapo talaga niya!” tili ng isang magandang dalaga pagpasok sa kanilang classroom.
“What’s your problem, Miss Martin?” malakas na tanong ng kanilang subject teacher.
Tila binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga at unti-unti itong humarap sa kanyang teacher.
Galing si Thisa sa labas dahil nag-break time. Nang madaanan niya ang kanyang crush na fourth year student ay naantala ang pagbalik niya sa classroom. Nauna nang pumasok ang kanyang mga kasama kanina. Pinanood niya ang kanyang crush at mga kaklase nito nakasalukuyang may PE subject. Naglalaro ang mga ito ng bola sa may quadrangle dahil break time rin nila. Kaya buong akala ni Thisa ay break pa rin.
Akala niya ay wala pa ang subject teacher nila kaya bigay na bigay siya sa pagtili.
“I’m sorry po, ma’am.” Kimi nitong sambit at napahawak pa sa kanyang buhok at ipinasok sa gilid ng kanyang tainga. Hiyang-hiya siya sa kanyang inasal. Sa isip niya mamaya na lang siya muling hihingi ng pasensya sa kanyang subject teacher.
“Bakit kasi hindi ka pa sumunod sa amin kanina?” bulong ng katabi nito.
“Ano ka ba? Minsan ko lang siya makita, kaya nilubos ko lang. Hindi ko pa nga alam ang kanyang pangalan. Wala pa akong mapagtanungan.” Mabilis din itong bumulong habang nagsusulat sa blackboard ang kanilang teacher.
Natapos ang kanilang klase at oras na para umuwi. Kanina pa natapos ang PE dahil may afternoon class pa ang fourth year. Nakita nila ang grupo na kinabibilangan nung lalaki na crush na crush ni Thisa.
First day of classes nung magkasalubong sila nito. Bitbit ni Thisa ang kanyang lunch box at nasa may bisig naman niya ang mga book dahil maliit na backpack lang ang dala – dala nito. Mas gusto pa niyang bitbit para magmukhang dalaga siya, kahit na may lunch box pa siya. Mapilit ang kanyang Mamita na magbaon pa kahit sinabi na niyang may food sa canteen.
Palabas na sila ng school habang nagkukwentuhan sila ng classmate niya nang biglang maumpog siya sa isang katawan. Nahulog ang kanyang mga book pati na rin ang lunch box ay nabitawan niya.
Yumuko naman ang lalaki para tulungan siyang magdampot. Inabot nito sa kanya ang mga libro kaya lang ay hindi na siya nakapagpasalamat dahil hinila na ito ng isang babae.
“Tara na! Mahuhuli na tayo. Bakit kasi tinulungan mo pa, eh siya itong patanga-tanga? Hindi tinitingnan ang dinaraanan.” Maarteng sambit ng babae na nilingon pa si Thisa at masamang tiningnan.
“Kasalanan ko rin dahil hindi ako sa daan nakatingin kundi sa iyo. Kaya hindi niya kasalanan ang lahat.” Dinig ni Thisa ang sinabi ng lalaki. Pero hindi pa rin umobra ang palusot niya sa babaeng naka-abrisyete na ngayon sa lalaki.
Hindi ni Thisa makalimutan ang mabangong amoy nung lalaki at ang mukha nito na kay gwapo. Kaya lang ay may kasamang asungot.
Tuwing uwian ay nagpapahuli si Thisa para maabutan pa siya ng pasukan ng mga fourth year student. Umaasa siya lagi na makikita niya ang lalaki. Pati ang PE time ng mga ito ay alam na rin niya ang schedule. Kaya every Friday ay kuntodo siya ayos ng mukha.
Minsan ay makakasalubong na sana niya ito nang bigla namang dumating ang kontrabidang babae. Ang ngiti ni Thisa na naka-handa na ay biglang napawi dahil lumiko na ang lalaki.
At ngayon ng ana may PE ang mga ito ay muli niyang nasilayan. Iyon nga lang ay nasita naman siya ng kanyang teacher.
“Hanz, pinapatawag ka ni Mr. Dela Cruz sa faculty room,” napatingin si Thisa sa lalaking tumawag at sa lalaking tinawag nito.
Lumapit ang tinawag na Hanz at dumiretso na sa faculty room. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Thisa na kanina pa nakangiti. Wala na ang tinitingnan niya ay nakatayo pa rin siya.
“Tara na! Nandiyan na yata ang sundo natin.” Yaya ng kaibigan nitong si Melody na kanina pa iiling-iling dito sa kanyang kaibigan habang pinapanood ito. “Thisa nandyan na sa labas ang mga sundo natin. Tayo na lang ang grade seven dito sa loob.” Niyugyog na niya ang kanyang kaibigan.
“Narinig mo ang pangalan niya? Hanz daw, mel! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Sobrang gwapo niya talaga. Gusto ko siyang makilala.” Masayang sambit nito sa kanyang kaibigan.
“Oo na, sige na. Pero tara na! Mapapagalitan na tayo ng guard kapag nakita tayo na naririto pa sa loob. Dali na!” hinila na nito ang kaibigan na tila ayaw pang lumabas ng campus.
“Mel, ang gwapo talaga niya! Hindi ako makakatulog nito. Hanz love Thisa, bagay di ba?” nasa labas na sila ng campus ay hindi pa rin ito mapakali.
“Sumakay ka na at kanina pa yata naghihintay ang sundo mo. Tawagan mo na lang ako mamaya. Sige na, babush!” nagmadali na itong sumakay sa sasakyan nila.
Naiwan si Thisa na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang magandang mukha ng lalaki at ang pangalan nito.
“Alam ko na ang iyong pangalan ngayon. Makikita kitang muli sa Monday. Sana araw-araw na lang ang pasok sa school.” Pagka-usap niya sa kanyang sarili.
“Ma’am Thisa, may sinasabi po ba kayo? May nakalimutan po ba kayo sa school?” tanong naman ng driver sa dalaga.
“Ay wala po! Iba po yung sinabi ko po. Tara na po sa bahay. Baka naghihintay na po si Mamita.
Si Thisa ay anak ni Dax Martin at saggol pa lang si Thisa ng maulila ito kaya ang kanyang lola na si Mrs. Divina Martin ang tumayong mommy niya. Mamita ang tawag niya sa kanyang lola at spoiled na spoiled ito. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Habang papasok sa subdivision ay napansin ni Thisa ang babaeng kapareho niya ng uniform. Kaya tiningnan niya ito habang nilagpasan nila. Pamilyar ang mukha niya, parang kaklase niya ang babaeng nadaanan nila.
“Parang kaklase ko siya. Sana pala isinasabay ko siya pag-uwi. Di bale malaman ko sa Monday.” Sambit nito sa sarili.