THISA’s POV Pareho ng nararamdaman pero hindi pwedeng magkaroon ng relasyon. Ano ‘yon? Mutual understanding. Pwede naman maging kami, maglagay na lang ng boundaries para hindi niya maulit ang nangyari noon. Handa naman akong magtiis. Gusto ko na nga siyang halikan pero pinigilan ko lang eh. Ang daya naman niya! Komo’t siya ang matanda siya ang magdedesisyon. Hindi naman ako pwedeng magpaligaw sa iba tapos wala namang kami. Ang unfair mo, Hanz! Sa isip ko galit ako sa kanya. Nagtatampo ako. Hindi ko pa sya nakikitang muli. May activity ngayon dito sa school. Nagkalat ang mga estudyante sa dadaanan ng pagtakbo ng mga estudyante. Taun-taon itong ginagawa ng mga estudyante at ang iba ay mga alumni na ng school. Tumatakbo sila ng walang anumang salpot sa katawan. Ito ay sumisimbolo ng kala

