HANZ’s POV Gabi na, wala pa rin sina Thisa. May lakad sina Mommy at Daddy. Ayaw pa ni Mommy sumama dahil sa anak ko, kaya pinilit ko siya na kaya kong alagaan si Ethanz. Basta samahan lang niya si Daddy. Mabuti at kumuha ako ng gatas kay Thisa kanina. Mayroon pa si Ethanz hanggang ngayon. Tulog na tulog ang anak namin dito sa aking kama. Nakahiga rin ako at pinagmamasdan ko ang mukha nito. Para lang ako nakaharap sa batang ako. Kampante kaming mag-ama na nakahiga nang biglang bumukas ang pinto. Hindi naman malakas ang pagkakabukas. Iniluwa nito ang magandang babae, si Thisa. Tiningnan ko lang ito habang papalapit sa amin ni Ethanz. “Naghihintay na ang driver namin sa baba.” Malumanay na wika nito sa akin. “Pauwiin mo na. Natutulog pa ang anak natin. Magpahinga ka muna,” sagot ko s

