THISA’s POV Totoo ang sinabi ni Hanz na baka matagalan ang pagkikita naming muli. Ilang buwan na ang lumipas hindi ko pa rin siya nakikita. Araw pa man din ng mga puso ngayon. Ang dami kong nakakasalubong kanina pang umaga na may hawak na mga flowers at chocolates. May mga nagbigay sa akin kanina pero hindi ko tinatanggap at yung mga makukulit na ipinagpilitan para ibigay sa akin ay ipinamigay ko rin sa iba. Ayaw ko ng anumang regalo maliit man o malaki kung hindi rin lang manggagaling kay Hanz. Kahit nga walang flowers o chocolates kahit siya lang ay sapat na sa akin. Wala ngang kami pero may nararamdaman naman kami para sa isa’t isa. “Sana hindi na lang ako pumasok,” sambit ng isipan ko. Naupo na lang ako sa favorite spot ko dito sa may sunken garden. Mananahimik na lamang ako

