THISA’s POV Kahit tapos na ang binyag ni Ethanz ay hindi na kami pinauwi pa ni Hanz. “Bakit pa tayo maghihiwa-hiwalay, may bahay na naman tayo para sa atin? Kaya ko nga ito ipinagawa para makasama kita at kayo ng mga anak natin. Gusto ko rin nasa tabi mo ako lalo na ngayong buntis ka, mahal.” Wika ni Hanz sa akin. “Mahal, hindi naman pwedeng basta na lamang kaming aalis sa bahay ni Mamita. Mag-isa na lamang siya sa bahay. Pakiramdam ko nga nalulungkot siya hindi niya lang masabi sa akin. Alam niya na hindi na ako si Thisa noon na walang iniisip kundi sarili ko lang. Nandyan na si Ethanz at ikaw. Madalas wala rin kami sa bahay kaya nga siguro lagi rin siya nasa bahay ni Tito Dougz. Si Daddy naman ewan kung bakit naka-isip pang umalis ng bahay at nagsarili sa condo. Paano naman si Mam

