HANZ’s POV “Sorry, boss nagkita po ba kayo ni Thisa?” kasalukuyan kaming nasa mainit na usapan ni Elaine nang bumukas ang pinto at ilabas si Roel. Bahagya pa itong hinihingal. Wala pala siya noong dumating si Elaine dahil may ini-utos ako sa kanya. Bigla akong sinakluban ng takot nang marinig ko ang pangalan ng aking mahal. “A-anong sabi mo? Nakita mo si Thisa? Nasaan siya?” lumapit na ako sa kinatatayuan ni Roel. Nakaharang si Elaine sa aking daraanan, muntikan ko na siyang itulak. Kasalanan niya ito kaya umalis si Thisa. “Anong sabi niya sa iyo?” hawak ko na ang mga balikat niya at ina-alog ko pa siya. “Nagmamadali, para siyang umiyak. Namumula ang mga mata niya at hindi niya ako sinagot. Akala ko nag-away kayong dalawa. Pero hindi ka naman niya kasunod. Sumakay agad siya ng taxi.

