CHAPTER 12

1393 Words
Chapter 12:Comfort MARSHIN ESCALANTE's POV Nagising ako isang araw na nag-aalburoto ang tiyan ko. Parang gutom na gutom na ako. Kaya napabangon ako kaagad mula sa pagkakahiga ko at nagsalubong ang aking kilay nang mapagtanto ko na hindi ito ang aking silid sa... Oh! Natatandaan ko na! Nasa hospital pala ako bago ako nawalan ng malay at kasalukuyang nagdo-donate ako ng dugo. Donate talaga? "Finally, nagising ka na rin, anak ko," ani ng ginang at kinulong na naman niya ako sa bisig niya. Para naman akong pusang kumikiskis sa kanya at napapikit pa ako. Ang sarap sa feelings. Parang kino-comfort ako nito at ang bilis-bilis ang pagtibok ng puso ko. I don't know why. Tumabi nang upo sa akin ang ginang at hinaplos pa niya ang pisngi ko. Bakit naiiyak ako? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba? Bakit parang...naramdaman ko ang isang pag-aalaga ng isang ina? Ngunit hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam no'n. "I miss you, darling. Anyway, gutom ka na ba?" tanong niya sa akin at napahawak ako sa tiyan ko. Nahihiya man ngunit tumango na lang din ako. Ngumiti sa akin ang ginang at namangha ako nang makita ko ang dimples niya. Na dahilan nang pagkislot na naman ng puso ko. "Magugutom ka talaga dahil buong araw kang tulog. Ngayon nga lang din," aniya at napalingon ako sa kabilang kama kung saan nakahiga roon ang daddy ni Cashren. Wala pa siyang malay at may benda sa kanyang ulo. Dinig na dinig din ang heartbeat monitor niya sa buong silid. Na-aksidente siya base sa mga sugat at pasa niya. "Car accident. Na-aksidente ang daddy mo habang papasok na siya sa kanyang trabaho. Nagkabanggaan sila ng isa pang paparating na sasakyan. Huwag kang mag-aalala, anak. Maayos na ang daddy mo." I felt relief because of that. Bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang lalaking kinaiinisan ko. Oh, kinaiinisan ko na siya ngayon. Masama ang ugali niya! Mas gusto ko si Gabril kaysa sa kanya. Hay, speaking of Gabril nami-miss ko na siya. "He bought your foods, darling," nakangiting saad niya at hinaplos na naman niya ang magkabilang pisngi ko. Nailang ako bigla nang sinuri talaga ng mga mata niya ang mukha ko. Parang may hinahanap siya at iyon ang kinakatakutan ko. Paano kung malaman niyang hindi naman talaga ako ang anak niya? Siya ang parents ni Cashren at ang mga magulang ang unang nakakakilala sa kanilang mga anak. "Oh, siya. Kumain ka na muna, darling." Muli akong napapikit nang marahan niya akong hinagkan sa aking noo. Oh, my God. What's wrong with me? Pekeng tumikhim pa si Cervin nang humakbang siya palapit sa akin. May kinuha siyang stray na parang maliit na table at doon nilagay lahat ang mga pagkaing binili niya. "Eat up, baby," malambing niyang sambit pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang kutsara at nagsimula na akong kumain habang binabalewala ko ang presence niya. Nakakailang man ang mga titig niya ay hinayaan ko na lang din. "Paano naging ka-blood type mo ang daddy ng asawa ko?" mahinang bulong niya sa tainga ko. At mabilis na nag-react ang heart ko! Iyon din ang isang katanungan ko sa aking sarili. Ngunit baka nagkataon lang na ka-blood type ko nga ang daddy ni Cashren. Meron namang ganoon hindi ba? Kahit hindi kayo magkamag-anak ay may tendency naman na magkadugo kayo, I mean same blood type kayo ganoon. "Hindi ko alam," sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya. Inabot niya sa akin ang bottled water na nakabukas na at iyon ang ininum ko. "Ilang buwan din tayong hindi nagkita, Cashren. Ayon sa asawa mo ay naging abala ka raw dahil sa sunud-sunod na projects and activities niyo sa school," singit ng ginang at doon na ako napatingin kay Cervin. Tinaasan ko pa siya ng kilay nang mahuli kong nakatingin siya sa akin. Attitude ang lolo niyo! Tinaasan niya rin ako ng kilay at nakuha pa niyang uminum ng tubig ko! "O-Opo, mommy," sagot ko na lamang. "Kamusta ang apo ko?" Ano ba naman 'yan? Gutom pa ako, ang dami niyang tanong. "She's fine, mom," si Cervin na ang sumagot. "Ah...miss ko na rin ang apo ko." Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko. Para akong patay gutom sa lagay ko. Bumabawi siguro sa daming dugong nawala sa akin. Pero ayos lang iyon. At least may nailigtas akong buhay ng isang tao. Maya-maya lang ay natapos na ako at muntik ko pang maubos ang biniling pagkain ni Cervin. Mabuti at nabusog kaagad ako. Nabigla kami nang tumunog ang monitor pero hindi dahil may masamang nangyari sa pasyente, kundi nagising na sa wakas ang daddy ni Cashren. "Honey!" naiiyak na sabi ng ginang, bagamat may kasiyahan iyon. "Gising ka na..." Napalapit kami sa kama niya at nagsalubong kaagad ang mga mata namin. Kumunot ang kanyang noo ngunit naibaling niya rin ang paningin niya sa mommy ni Cashren. Nakaka-kaba naman ang parents ni Cashren! Parang kinikilatis nila ako! Pagkatapos suriin ang kalagayan ng pasyente ay ngayon nakaupo na siya at bahagyang naka-sandal. Pero 'yong mga mata niya ay hindi ako nilubayan. Buti na lang nakaalalay sa akin si Cervin. Kung hindi ay baka mas lalo akong manghihina. Kabado ako, eh. Kahapon lang siya naaksidente at buti na lang ay nagising na siya ngayon. Saka, hindi naman masyadong malala ang kalagayan niya. "Hindi mo ba ako yayakapin man lang, anak ko?" mahinang tanong nito at tila maiiyak na naman ako. Bakit ang gaan-gaan nilang kausap? Bakit sa halip na mailang ako ay iba ang nararamdaman ko? Nasasabik ako at nakakaramdam ako nang kasiyahan. Hinagod ni Cervin ang likod ko at binulungan na naman ako. "Just go." Lumapit na nga ako at tumabi nang upo sa gilid niya habang ang kanyang asawa ay tumayo sa tabi ko. Siya na mismo ang yumakap sa akin at naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Bakit ganoon? Bakit ganito ang pakiramdam? May something talaga, eh pero ang hirap ipaliwanag. Ganito rin ang feelings ko no'ng ang ginang naman ang kayakap ko. Tila ba sila ang magulang ko. Komportable ako sa kanilang dalawa. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "Anak ko..." mahinang bulong niya at nagustuhan ko. Nagustuhan ko na tinawag niya akong ganoon. Siguro hindi naman masamang maging proxy, 'no? Kasi kahit papaano nararamdaman ko kung paanong alagaan ng mga magulang. Naranasan ko ang magkaroon ng parents sa katauhan nila. Maya-maya lang ay kumalas na siya sa yakapan namin pero kinulong na naman niya ang magkabilang pisngi ko. Tila may hinahanap na naman siya ng kung ano sa akin. Parang 'yong asawa niya lang. "Ilang buwan ka rin naming hindi nakita, anak. Kaya ganyan ang reaction ng daddy mo," natatawang sabi ng ginang at tipid na ngumiti na lamang ako. At iyon ang pinagsisihan ko! Dahil sa tipid na pagngiti ko ay dumapo na roon ang mga mata ng daddy ni Cashren. Pero kapagkuwan ay ngumiti na lang din siya sa akin na tila ba hindi niya nakita ang dimples ko. Pahamak kasi! Nagpaalam na kami noong gumabi na at balak ko pa sanang mag-stay ngunit kailangan ko na rin daw magpahinga. Sinabihan pa nila ako na kumain daw ako ng maraming gulay, lalo na raw na marami rin ang nawalang dugo sa akin. Pagkauwi nga namin ay kaagad na sumalubong sa amin si Cerae. Yumakap ito kaagad sa daddy niya. "Ikaw daddy, ah. Ni-aaway mo siya! Bad ka, bad!" biglang sigaw nito pero tumawa lang ang daddy niya. Tss... Napahinto naman ako nang bigla akong namimilipit sa sakit ng tiyan ko. Napangiwi ako at napaluhod na lang bigla. Sh-it naman, eh! Ngayon pa ako sinumpong ng sakit ko! "Sumbong kita kay momma ko, daddy! Bad mo, eh. Ni-cry mo po s--hala, daddy! Look at her!" Mabilis naman akong dinaluhan ni Cervin at hinawakan ako sa kanang braso ko. "Y-You okay?" nagpapa-panic na tanong niya sa akin. Pinagpawisan ako agad. "O-Okay lang ako," sagot ko. "Oo nga pala. N-Nasabi rin pala ng lola mo na madalas sumasakit ang tiyan mo. Pupunta tayo sa hospital bukas para masuri ka, though kaya ko namang gawin iyon. Gamot lang talaga ang specialist ko pero may alam din ako kahit papaano,"sabi niya at umiling ako. "Gutom lang ako no'n kaya nananakit ang tiyan ko, 'no!" defensive kong sabi at akmang tatayo na sana ako ngunit mas tumindi ang sakit sa tiyan ko. Takt- ang sakit talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD