Enjoy reading! DINALA niya ako sa bahay niya. Ayaw koo mang sumama sa kanya pero pilit niya akong hinihila papasok sa loob. Pati si manang Celia ay nagulat sa ginawa ni Harley. Nang makarating kami sa sala ay doon niya lang ako binitawan. "Pabayaan mo na kasi ako. Kaya pwede ba pa-uwiin mo na ako." Matigas kong sabi sa kanya pero masamang tingin lang ang ginawa niya. "Hindi ako papayag na lumayo ka pa sa 'kin ulit. Nasa tamang edad ka na, Jane. At magpapakasal ka na sa 'kin." Diretso niyang sabi. Pagkatapos ay hinila niya ulit ako papunta sa kwarto niya. Binuksan niya iyon at pinapasok ako. Pinaupo niya ako sa kama niya. "Dito ka lang. Ayaw kong lumabas ka ng kwarto ko at baka maisipan mo pang takasan ako. Sabi niya at umupo sa isang sofa. Masama ang tingin ko sa kanya. Habang siya n

