Enjoy reading! NANATILI akong nakatayo malapit sa pintuan. Habang ang secretary nito ay naka-upo sa sofa sa sala. Habang si Harley naman ay pumunta sa kwarto nito para kunin ang mga nakalimutan daw ng secretary niya. Napatingin sa akin si Cassy at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko naman ang sarili ko. Naka uniform pa pala ako. "Kaano-ano mo si gov Harley?"biglang tanong niya. "Ako po ang Personal Asisstant niya"magalang kong sagot. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin nang kaunti. "Mukang hindi ka lang Personal Asisstant niya. Magsabi ka nga nang totoo. Kaano-ano mo si gov Harley?"seryoso niyang tanong. Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya? Bukod sa pagiging Personal Asisstant niya ano pa ba? Kasi hindi

