Enjoy reading! PAGDATING ko sa bahay ay nadatnan ko si nanay na abala sa paglalaba. Agad akong lumapit sa kanya kaya napahinto siya sa ginagawa niya at tiningnan ako. "Nagkita na pala kayo ulit ni gov Harley?" Seryoso niyang tanong. Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Alam ko kapag galit siya. "Opo nay," nakayuko kong sagot. Agad siyang naghugas ng kamay at humarap sa akin. "Anak umamin ka sa 'kin. Mahal mo ba siya?" Hindi kaagad ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ko rin alam kung mahal ko na ba talaga si Harley. Hindi ko alam kung natatakpan lang ba ng takot at galit ang puso ko. "Nay, hindi ko po alam..." Sagot ko. "Wala ka bang nararamdaman kapag nakita mo siya? Kapag magkasama kayo?" Tanong niya ulit. Ano bang nararamdaman ko kapag kasama ko siya? "A

