CHACE POV Bumangon ako bigla sa kama. Tinignan ko yung orasan na nakasabit. 5am. SHIT! Nakalimutan ko yung kagabi! Ang gulo-gulo kasi nila Ken e. Nag send ba si MCDO ng text? Tinignan ko yung cellphone ko. Wait. Nasan yung cellphone ko? Tinignan ko yung mga katabi ko. Iba-iba sila ng pwesto. Hindi naman ganun kalaki yung higaan. Tignan mo tong si Kylan kung makayakap kay Kash wagas. Eto namang si Ken yung paa nakapatong sa bewang ni Claud. Si Claud malapit na mahulog. "HOY! MAGSI-BANGON NGA KAYO TAKTE!" Agad naman silang dumilat pwera lang si Claud. Bumangon agad si Ken tapos bigla namang nahulog sa kama si Claud. AYUN! Dumilat din yung mata. Habang sina Kylan naman.. "Nasasakal ako." Inis na sabi ni Kash. "Ayy." sabay alis ng kamay ni Kylan. "Lumayas nga kayo sa higaan k

