CHACE POV
"Chace! Kanina ka pa nakatulala dyan. Anyare sa'yo?" Bumalik ulit ako sa mundo ng realidad nang marinig ang boses ni Kylan.
"Ah. Nandyan pala kayo.." ang sabi ko sabay balik ulit sa pag iimagine.
"ABA! ABA! Kinakalimutan mo na ata kame? Kanina pa kaya kame andito!" ani Ken.
"Kanina pa kame nandito 2 Hours na! Hindi ka ba natatakot na baka manakawan ka Chace? Ni-hindi mo nga kami napansing pumasok kahit na nagdadabog yung mga paa namen." Ang bratatat pa ni Kylan.
Tumingin ako sakanila. "Walang magtatangkang magnakaw sa bulok na apartment na to." sabi ko ng diretsahan. Aba, nandito rin pala sina Ka at Claud.
"Hoy Claud! Natulog kana nga sa school tas matutulog ka ulit dito?" sigaw ni Ken.
"Ano ba Ken? Pakaingay mo naman tss." tugon nya habang kinakamot yung buhok sabay balik sa tulog. Kahit kailan talaga, tamad tong si Claud. Lilipat nalang nga sa sofa, hindi pa magawa. Mag-lampaso ka dyan sa sahig sige.
"Ka, nasa Earth kapa ba?" isa pa tong si Kylan. Alam ko namang dahil lang doon nainis na si Kash. Kaya naman sinampal niya si Kylan, napaka-tahimik kasi niya eh. Parang laging kausap yung hangin.
"Takte. Grabe ka naman! Ilang libo mo na kong nasampal! Yan tuloy, naging manhid na pisngi ko!" sabay hagod ng pisngi niya. Kahit na mahilig tong mambugbog, hindi niya magawang saktan si Kash kasi simula bata palang, magkaibigan na silang dalawa. Pero, siya naman ang bugbog sarado pagdating sakanilang dalwa.
"Oo nga Kash! Para ka tuloy bakla!" Isa pa tong si Ken.
Tinignan siya ni Kash sa pamamagitan ng pamatay na tingin niya.
Pinwesto na ni Ken yung kamay at braso niya na parang Kung fu panda.
Pero hindi siya ginalaw ni Kash. Mukhang nabadtrip na ata.
"Andaya! Bakit siya hindi mo sinampal? Pero ako.." napanguso si Kylan. Pwe! Para tuloy love triangle tong tatlo.
Bigla nalang tumaas balahibo ko nang may maalala ako.
Hindi kaya..?
BAKLA AKO?!
"ANONG SABI MO CHACE?! BAKLA KA?!"
NAPALINGON AKO BIGLA KAY KEN. NABASA NIYA INIISIP KO?!
"Hahahahaha! Hindi nag-react si Chace ibig sabihin totoo!" tawang-tawang ngutya ni Ken. Phew! Akala ko nabasa niya iniisip ko.
"H-Hindi no!" ang nasagot ko lang.
"HIMALA! HINDI KA NAGALIT NGAYON? SAMANTALANG DATI, MINUMURA MO KO! IBIG SABIHIN BA NON.. BAKLA KA TALAGA?!" Aba aba! Sinusubukan ba ko ng lalaking to? Gusto mo pala ng minumura ka ah.. Sige.
"GAGO KANG KINGINA MO! HINDI AKO PUTANG INANG BAKLA! WAG MO KONG IGAYA SA TATAY MO NA WALANG BALLS!" Ha! Ganyan pala gusto mo ha.
"WHA?! GRABE KAAAAA! PWEDE NAMANG AKO LANG! BA'T MO PA SINAMA YUNG MASIPAG AT MABAIT NA TATAY KO?! ANSAMA MO!" Ang sabi niya, halos mapapaluha na.
"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga." Nagsi-lingunan kami kay Claud.
"Oh? Nakikinig ka pala Claud?" tanong ko.
"Pano ko hindi maririnig yang sinasabi niyo? Eh, hindi nga kayo tumitigil sa pag-iingay dyan. Hindi ako makatulog!" Yikes!
"Waaaaah! Binabara mo na rin ako ngayon Claud!?" Bwisit tong Ken na to!
"Sinong nasa isipan mo kanina Chace?" nagulat nalang ako nang maitanong iyon sa akin ni Kash.
Kinabahan ako bigla. Kasi bigla silang tumahimik lahat at napalingon sa akin with their curious expressions.
"W-Wala.." ang maikling sagot ko.
"Aminin mo na. May iniisip ka kanina." Argh! Asar itong si Kash! Bakit ba kasi sa tuwing nagsasalita to natatamaan ako?!
Bumuntong hininga ako.
"W-A-L-A" ang ulit ko.
"Wag ka nang mahiyang sabihin Chace." this person is so persistent. Pag talaga may napag-interesaduhan siya, mangungulit na to na parang sirang plaka hanggang sa malaman niyang totoo ang sinasabi mo.
"Ang kulit mo naman Kash! Okay, sasabihin ko na sa'yo.. Iniisip ko lang yung mga ginawa natin sa school nung friday. Yun lang!" ang sabi ko. Sana naman hindi na siya mangu—
"You're lying." Wha?! Grabe na kakulitan nitong isang to, dinaig pa yung 3 year old na bata.
"Yun nga lang sabi eh. Ang kulit."
"Paanong yun lang? Eh, halos maglaway ka na nga kanina habang yung utak mo nasa pluto." sabi ni Kash.
"Maglaway?! Talaga?" ganun pala itsura ko kanina? "...Ah! Kasi iniisip ko yung bagong benta sa canteen nung Friday." Dahilan ko ulit.
"You're really bad at lying." Yikes! Hindi pa rin talaga sumusuko! Parang Manny Pacquiao!
''Yun nga lang sabi!" naiinis na ko ha.
"Yun lang? Eh halos maging hugis puso na yang mata mo kanina eh." Wha?! He can tell? AMAZING! As expected from an elite lol
"So you're saying he's in-love." singit ni Claud. Lagot na.
"I-CELEBRATE NATEN ANG ARAW NGAYON! WHOOHOOO ANONG DATE BA NGAYON? HUY CLAUD MAG-LUTO KA NG PULUTAN TAPOS BILI KA NG RED HORSE!" Putek! Lagot na talaga! Pati itong si Ken naki-sama na.
"Si Claud talaga ang inutusan? Eh, alam mo namang tamad yan!" si Kylan.
"Ayoko, nakakatamad." Bumalik si Claud sa pagtulog.
"Pwede bang manahimik muna kayo saglit?" sabi ni Kash.
Tumahimik ang lahat at binaling ulit yung mga tingin sa akin.
"So totoo nga na inlove ka Chace?" tanong niya sa akin habang nakatitig yung mala-demonyong mata niya.
"H-Hindi ako bakla!"
Wtf did I just said?
Natahimik bigla ang lahat, and they only stared at me.
WHAT THE f**k?! DON'T STARE AT ME!
"IBIG SABIHIN? YOU FELL IN LOVE WITH A GUY? Omg nag english ako pak!" HALA! MUKHANG SI KEN AASARIN NANAMAN AKO NETO!
"Dehends. Ewan ko, kasi.. Argh! Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o..
What?" Nakita ko nalang silang apat sabay-sabay na lumayo sa akin.
"Putangina nyo! Di ako bakla!" ang sabi ko asar! May fear of gays ba tong apat na to?!
"THAT'S CREEPY DUDE." nakakainis tong tono ni Ken.
Bumuntong hininga nalang ako. Tapos nagsi-lapitan ulit sila sa akin.
"Wag ka mag-alala! Nandito kame." sabi ni Kylan habang tinatapik-tapik ako.
Tinignan ko naman sila ng masama. Yung as in! Parang papatay ako ng tao.
"Sino ba yang tinutukoy mo?" tanong ni Kash.
"Siya yung.. nung Friday. Nung pauwi na tayo, tapos..
FLASHBACK
Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ang mukhang anghel na nasa harap ko.
Was that really an angel?
BUT...
BUT...
DAMN!!! HE'S A GUY! BAKIT ANG LAKAS NG t***k NG PUSO KO?!
My face was beginning to flush red just by staring at him, while my jaw dropped. Even though he was looking somewhere, alam ko na agad na maganda yung mukha niya. But.. but.. I can't believe that..
I became puzzled just by looking at him.
Nako patay lumingon sya dito!
END OF FLASHBACK
"TOTOO?!" ang sabi ni Kylan. Habang ako naman nakatungong halatang depressed sa nangyari.
"So, tumingin siya ng masama sayo? Ibig sabihin basted kana agad." ang sabi ni Claud.
"Anlakas mo namang mag-sabing basted ako eh, wala ka nga nung time na yon."
Pero baka totoo?
"HINDI KO AKALAING MAGKAKAGUSTO KA SA LALAKI. BAKA MAMAYA MAGUSTUHAN MO RIN AKO." Loko tong si Ken.
"Hindi kita type. Lumayo ka nga." sagot ko.
"Hahahaha! Basted si Ken!" ang pangangasar ni Kylan.
"I think, I know him." ang biglang sabi ni Kash. Napatingin ako bigla sakanya..
"S..Sino?!" Ang tanong ko.
"By the time I looked at him, Yes I know for sure. He's Bryce, kilala yung papa niya sa school since isa siya sa mga donor."
Bryce..?
===