[ 26] - SHE'S MISSING. ALDEN'S POV Di na ko nagsayang pa ng oras, tumakbo din ako pasakay ng sasakyan ko. Kailangan kong hanapin si Gail, kailangang ako ang unang makakita sa kaniya. Gusto kong humingi ng tawad at sa huling pagkakataon gusto kong itama yung mga pagkakamali ko. Di ko rin alam kung saang lugar ko ba siya pwedeng hanapin. Naghanap ako sa lahat ng lugar na alam kong pwede niyang puntahan pero nabigo lang ako. At kung mayroon man akong di pa napupuntahan isang lugar na lang. Di na ko nag-isip pa, dun na ko dumeretcho. Di ko alam kung nandun ba siya pero walang masama kung susubukan ko. Paghintong paghinto ng sasakyan ko, bumaba agad ako. Malamig yung simoy ng hangin dahil na rin sa alas tres na ng madaling araw. Lakad-takbo ang ginagawa ko, di ko alam kung saan ba uunahin k

