[24] - HAPPY DAYS ISN'T OVER. GAIL'S POV "Good morning, miss beautiful!" Pareho kaming napatingin ni Aya sa bumukas na pinto. May nakaharang na bulaklak sa mukha niya pero kilalang-kilala ko kung sino siya. "Lance!" Masayang sigaw ko sa pangalan niya, tinanggal niya yung flower sa mukha niya tapos humakbang palapit sa akin. Napatingin naman sa akin si Aya, "Siya yung kinukwento ko sa'yo." "Ah. Hello po! Ako po pala si Aya." Pakilala naman ni Aya sa sarili. "Lance." Sabi naman ni Lance tapos tumingin siya sa akin, "Good thing, may kasama ka na sa room." "Sa Monday na yung schedule niya ng surgery, pareho lang kami ng sakit." Kuwento ko naman sa kaniya. Masaya siyang napatingin kay Aya, "Talaga? Goodluck!" "Salamat po." Bumaling ulit sa akin si Lance, "Tara, Gail, pumayag yung docto

